Suga 24 - Mysterious

9.7K 452 361
                                    

Let me just dedicate this chapter to her. :) Siya ang gumawa ng swaeg book cover na nasa MM. Ang cute~ Salamat Ms. @Tiffanyhwang26. :D

***

"Shh! Wag kayong maingay!"

"Ugh! Shawn ano ba?"

"Click mo na, Seth!"

"Bro, i-off mo ang flash. Kekeke~"

Yan ang mga ingay na naririnig ko sa ngayon. Teka, bakit nga ba maingay? Tsaka bakit parang hindi na umaandar 'tong sinasakyan namin?

Tsaka bakit may mabigat sa ulo ko?

Binuksan ko ang mga mata ko, and in an instant tumambad sa akin ang mala-anghel na pagmumukha ng Stanville Army. Alam niyo yung sinasabing ngiting-aso? Ganun ang pagmumukha nilang lahat eh. Ano problema nila?

Agad kong tinapik si Keith at himala! Nagising siya agad.

"Oh? Asan na tayo?"

"Nandito na tayo sa Bicol."

"Edi wow." sagot niya sakin tapos tumayo na at umunat. Tiningnan niya ang mga ugok friends niya.

"Ano problema niyo? Bakit ganyan kayo makangiti? Ginawa niyo bang coloring book ang mukha ko nung tulog ako?" tanong ni Keith sakanila.

Wow! Nahalata din pala ni Keith yung pagmumukhang yun ng Stanville Army? Parang may mga tinatago.

Anywayszx, bumaba na kami sa bus. Nandito kami ngayon sa isang resthouse. Pagkababa namin, sinalubong agad kami ng presko at malamig na hangin. Ang sarap pala talaga ng hangin sa probinsya. Oo, nalasahan ko. Gusto mo din ba?

Tiningnan ko si Keith na may malawak na ngiti sa labi niya. Labas-gums ngiti na naman ang sumilay sa pagmumukha niya. Yung ibang miyembro naman may kanya-kanyang ginagawa.

Sila Shawn, Jace at Seth nagpapapicture kay Alexis.

 Si Si Xander naman, naka-earphone na naman at nakapamulsahan. Nakatingin siya sa buong paligid. Biglaan naman siyang tumingin sa akin kaya napaiwas naman ako agad. At sa peripheral vision ko, nakita ko siyang ngumisi. Lesheng lalakeng yun! Bakit bawal ba siyang tingnan? Edi hindi!

Si Red naman nakikipag-usap kay Aikee.

O.O Huh? At kelan pa naging close sina Aikee at Red?

Hayaan niyo na. Nagbabagong-buhay si Red. Gusto maging friends ang lahat. Mr. Congeniality ampeg.

"Carmy."

Napalingon naman agad ako sa dako ni Keith. Ano kailangan ng gums nito?

"Ano?"

"May itatanong ako." mapang-asar niyang sabi sakin. Hanapin niya pake ko sa Atlantic Ocean.

"Tanong mo sa turtle." mataray kong sabi sakanya.

Akmang aalis na sana ako kaso hinigit niya ang pulso ko pabalik sakanya.

"Aray ko bh3!" sigaw ko sakanya sabay himas nung wrist ko. Ang saket kaya! Kahit kailan talaga wala nang alam ang lalakeng 'to kundi saktan ako. Ay ansabe? Hugot pa more.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon