Suga 48 - Hidden

7K 356 362
                                    

48 




CARMILLE's POV


"Carmille, may dapat kang malaman."

"A-ano yun?"

"SWAEG--leche, aray ko ano ba?!"


Hulaan niyo kung ano ginawa ko? Kinurot ko siya sa singit. De joke. Sinapok ko siya. Kingina kasi neto eh, damang-dama ko na yung mga nangyayari with matching kaba and bilis ng tibok ng kokoro, tapos ang matatanggap ko lang isang malaking "swaeg". Oh di ba, sinong di maiinis nun?


"Pakker ka kasi eh. Ano bang sasabihin mo kasi? Dali na, ano nga?" pangungulit ko sakanya.

"Wala nga." tugon niya naman sakin.


Ang kulit talaga ng gilagid nito eh. Eh bakit ba kasi nandito siya kung wala naman siyang sasabihin? Ang pabebe kasi, kung sinabi na niya agad edi sana di ko siya kinukulit di ba? Minsan ang bobo din ni Keith, mas bobo pa kay author sa math.


"Sabihin mo na nga! Dali na oy!" pangungulit ko sabay hila ng sleeves niya.

"Gusto mo talagang malaman?" nakangisi niyang sabi sakin.

"Oo." desidido kong sabi

"Talaga?"

"Yep. Ne. Si. Oo." kulang nalang um-oo ako gamit ang lahat ng language sa buong mundo, gagawin ko.

"Sure ka? Walang bawian? Deal na deal na?"

"ISA PANG TANONG GUGUPITAN KO YANG BERDE MONG BUHOK!"

Napabuntong-hininga si Keith tapos hinawakan ang kamay ko. Omg dis is it.

"Gusto kong malaman mo na, mahal na mahal ka ni Keith Alferez." nakangiti niyang sabi tapos hinawi pa ang buhok ko sa mukha.


Abat' p--pakilig ang isang 'to ah.

Alam kong valentine's day na pero ang lakas kumakarengkeng ng isang 'to oh. Gageu ka, Keith! Wag mo kong daanin sa galawang gilagid mo!

Napatulala lang ako sakanya habang siya nagpipigil ng tawa. Trip niya na naman po ako leshengina.

Nang mapansin niya yatang iba ang aura ko kahit na kinilig ako sinabi niya, lalo pang naging defensing ang loko. "Wala nga akong sasabihin. Pinakaba lang kita. Ang effective nga eh. Hahaha!" pangaasar niya sakin saka inabot ang kamay ko at nakipagholding hands.


Magkatabi kaming humiga sa may duyan at tahimik lang na pinagmasdan ang night sky. Hinahaplos lang ni Keith ang buhok ko habang niyakakap ako. Okay ang cheesy leshe.

"Keith, alam ba ng daddy mo na nandito ka?" biglang tanong ko sakanya.

"Bakit kailangan ko pang magpaalam kung pwede naman akong tumakas?" maangas niyang tanong tapos kumindat sakin. Sus, akala mo naman napansin ko yung pagkindat niya? Eh sa liit ba naman ng mata neto.Ewan ko dito.

"Kagageuhan mo, Keith! Paano kung pagalitan ka nun kapag nalaman na tumakas ka? Ayaw pa naman nun sa relasyon natin." nag-aalalang sabi ko sakanya.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon