Suga 25 - Simpleng Tulad Mo

9.4K 491 409
                                    

25

Kakatapos lang namin magmeryenda, at sa ngayon nasa likod ako ng mga halaman. Pinagmamasdan kong maghubad si Jace. Huehuehue. Joke lang! Sinundan ko kasi si Elize. Gusto kong malaman kung sino yung kausap niya sa cellphone niya kanina. Tsaka gusto ko rin na updated ako sa mga nangyayari sa kaibigan ko.

Para saan pa ang pagkakaibigan namin, di ba?

But since ayaw niya talaga akong share'an, gumawa ako ng paraan. Kekeke~ Ang talino ko talaga, shet.

Mula sa siwang sa halamanan, nakikita ko siyang nakatayo sa may pavilion. Nakatagilid siya kaya kita kong nakikipagtext siya. Ilang minutes na akong nandito, tiningnan ko ang relong suot ko; 5:48pm. Jusko! Late na late na masyado yung kausap ni Elize ah.

Baka naman in-indian siya? HUAHUAHUA Buti nga sakanya! May pasikreto-sikreto pa kasi.

"What are you doing?"

Shet! Agad akong napalingon, takte! Akala ko kung sino.

"Magtago ka nga, Aquino! Baka makita nila tayo!" I hastily whispered.

Tinaasan niya lang ako ng kilay tapos sinilip niya si Elize.

"Why are you stalking your friend? Bisexual ka ba?" walang emosyon niyang tanong sakin.

Agad ko siyang hinigit pababa at palapit sa akin dahil nakita kong tumingin sa direksyon namin si Elize. Jusko! Buti hindi kami nakita ni Aquino, dahil kung oo, baka nabasag na ang bungo ng dakilang si Xander Aquino.

"Tumahimik ka nga! Ipapakain ko sayo 'tong mga damo eh." pakikipagtalo ko sakanya.

"Mukha ba akong si Alexis para sayo?" balik niya sakin tapos tinarayan ako ng bongga. Ang sama ng lalakeng 'to! Binubully niya ang kaibigan niya. Porket ang gwapo niya.

Pinagmamasdan ko pa rin si Elize ngayon na mukhang naiirita na dun sa hinihintay niya. Napangisi naman ako. Karma niya yan! Ayaw pa kasing sabihin eh, malalaman at malalaman ko din lang naman. Teka, bakit parang...

Unti-unti akong tumingin kay Xander, na nahuli kong nakatingin sakin.

Agad naman siyang napaiwas ng tingin tapos napayuko.

Ba't ako nito tinitingnan? Sus! If I know, inggit na naman siya sa ganda ko. Yeszx naman! Flips hair mentally.

Binalik ko ulit yung paningin ko kay Elize, nagtetext pa din siya. Ilang minutes ang makalipas, nakita ko siyang tumingin sa left niya tapos napangiti siya bigla. Kumaway pa siya.

O.O Hala! Paparating na ata ang ka-eyeball ni Elize. Yehet! I'm so excited na. Huahua. Baka naman yan yung seatmate niya sa Math? Yung hindi naman gwapo pero may itsura.. hmmm.. pwede na yun. Basta kung saan masaya ang kaibigan ko, dun na din ako.

Friends are like walls, they are there to support, to lean on and to cover you.

"Bakit mo ba kasi sinusundan si Elize?" - Xander

Hindi ko siya nilingon pero sinagot ko yung tanong niya,

"May gusto lang akong malaman, okay? May imi-meet kasi siya ngayon at hindi niya sakin sinasabi kung sino. Kaya nandito ako."

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon