Suga 59.3 - Lost

5.9K 372 598
                                    

       

59.3





CARMILLE's POV

Mag-aalas otso ng gabi nang ihatid nila ako sa bahay. Medyo natagalan nga lang kami ng unti dahil nagkaroo ng kaunting aberya sa sasakyan ni Aikee. Tangina naman kasi ni ateng, hindi man lang chineck yung gulong, buti may spare siya kundi camping ang abot namin.

Bumaba na ako ng sasakyan, at dun ka lang din narealize na nakasunod din pala si Vanessa sa akin. Sumunod siya hanggang sa may harap ng gate ng bahay.

"So, this is good bye then." nakangiti niyang sabi saka inayos ang balabal sa may leeg niya dahil sa lamig ng hangin. "Alam na ni Keith na aalis ako. But, he doesn't the details as to where and when I am leaving. Thank you for not telling him." dagdag pa niya.

Napabuntong-hininga nalang ako. Biglang sumagi sa isip ko yung sinabi ni Keith sa akin, nung umiiyak siya sa akin at pinapakiusapan ako. Napatingin naman ako kay Vanessa, hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya yung napagusapan namin ni Keith o ano.

"Please, take care of the boys while I'm gone. And this time, make it real. I don't want any dramas anymore." Paalala niya pa sa akin. Tumango-tango naman ako.

Nagkatinginan kami ng saglit ni Vanessa. It seems weird, noon halos patayin ko siya sa inis pero ngayon tinuturing ko na siya tulad ng pagturing ko sakanila Elize at Aikee. Siya na talaga ang best frienemy ever.

Niyakap niya nalang ako bigla.

"Hoy, hito, mag-ingat ka dun ah." Sabi ko. "Baka may makabingwit sayo dun." Natatawa kong asar sakanya.

"Don't worry, matagal nang may nakakuha sakin." Aniya.

Ewan ko kung bakit nalungkot ako nung sinabi niya yun, sabay pang sumagi sa utak ko yung pagmumukha ni gilagid.

For the last time, Vanessa flashed her smile to me. Akmang aalis na siya at babalik sa sasakyan ni Aikee nang may humawak sa may pulso niya. Tiningnan ko naman kung sino ang nagmamay-ari ng kamay na yun—kay Kuya Johann.

Saglit silang nagtinginan. Tapos hinigit ni Kuya Johann palapit sakanya si Vanessa saka niya niyakap. Napangiti ako kaagad nang makita ko silang ganun. At least medyo maayos na ang lahat, unti-unti na nilang napapatawad ang isa't-isa.

"I'll get going." Paalam naman ni Vanessa. "Bye, frienemy. I wish you the best in your future endeavor. I'll be back, stay ready." Sabi niya pa saka pabirong nagsalute sa akin. Binuksan na niya ang pinto ng sasakyan ni Aikee, then she waved at us goodbye.





*****





Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Dinig na dinig ko ang pagkulog at ang kidlat, medyo malakas ang ulan ngayon. Sinilip ko kung anong oras na, magmamadaling araw na pala pero hindi pa rin ako makatulog. Hayyy. Sa ganitong mga pagkakataon ang daming pumapasok na kung anu-ano sa uta ko.

Biglang umihip ang malakas na hangin, at halos lumipad na ang kurtina sa may bintana ng kwarto ko. Agad akong napabangon, kailangan kung isara ang bintana kung hindi baka pumasok ang tubig-ulan dito. Instant swimming pool na dis.

Lumapit ako sa may bintana, isasara ko na sana nang may mapansin ako sa labas ng bahay namin. Naningkit ang mga mata ko kasabay ng paglakas ng ulan ay ang pagkabog ng dibdib ko.

Anong ginagawa niya dito?

Nakatingin lang siya sa bintana ng kwarto ko, nagtama ang mga tingin namin. Basang-basa si Keith habang nakatayo sa labas ng bahay. Suot niya pa rin yung damit niya kanina, hindi pa kaya siya umuuwi ng bahay nila? Gagito talaga 'to.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon