Suga 10 - Selos? Sino?

10.5K 504 297
                                    

10

Ilang linggo na din ang lumipas matapos ang ka-dramahan ko sa buhay. Sa ngayon, sinantabi ko muna yun kasi examination namin at kailangan kong magfocus. Ang bilis ngang lumipas ng panahon, matatapos na agad ang 1st quarter ng taong 'to.

Sa buong linggo na yun kasama ko ang Stanville Army, sabay-sabay kaming nagrereview and at the same time natuturuan ko din si Jace sa Chem at yung iba naman sa Math. Huh! Valedictorian yata 'to. *insert smug face here. HAHAHA yabangzsx Habang tumatagal, masasabi kong napapalapit ang loob nila sakin at medyo ganun na rin ako. Kaya nga parang mahihirapan ako sa mga plano ko. Pero di bale, gagawa't gagawa ako ng paraan.

At the moment...

Exam namin ngayon sa Chemistry, eto ang last exam namin tapos ayahay na kami. ^^ Matatapos na ang kalbaryo namin sa buhay and even the sleepless nights para lang makareview at magmemorize ng echos na formulas. Lumingon-lingon ako sa paligid, not to find for miracle..if you know what I mean, but to check the boys if they're doing good. Hinanap ko si Jace. Nakita ko siya sa kabilang row, serysoso ang mukha pero mukhang nahihirapan sa exam. Well, wag niya akong sisihin kung for example, mabagsak siya. I did my best naman para maturuan siya, isa pa nagfocus kami ng maayos sa mga pointers ng exam. Nakita ko si Xander na nakatingin lang sa may bintana. Oh eh di siya na madaling makatapos ng exam! -_______- The rest of them, busy answering. Ang cute nilang lahat lalo na kapag seryoso.

Tiningnan ko naman this time yung katabi kong ugok. Nakayuko siya, his right arm resting on the desk. Sa unang tingin, aakalain mong nag-iisip lang ng sagot pero ang totoo eh tulog pala.

Tsk tsk tsk. Lakas tumulog, mamaya niyan wala naman siyang sagot sa exam.

Tiningnan ko ang answer sheet ni Keith na nakatambad lang sa desk niya, at since magkatabi kami, kitang-kita ko lahat ng answer niya. ANAK NG TOKNENENG! Lahat may sagot at walang erasures! Kaya naman pala masyadong confident matulog kasi tapos na niya yung exam.

Bigla akong kinabahan, baka kasi mag-fail ang first mission ko.

ANG MASIRA ANG ACADEMIC STANDING NI KEITH.

"Class, time's up. Finish or unfinish, kindly pass your answer sheet." announce nung teacher. Sakto naman kasi tapos na din ako. Inaayos ko yung answer sheet ko nang magsalita si Jace.

"Ma'am, teka lang po. I'm not yet done." busy'ng sagot ni Jace.

"And why is that, Mr. Montemayor.?" tanong naman nung teacher namin sakanya.

"Eh si Red po di pa tapos eh. Di ko tuloy masagutan yung last part." sa sagot na yun ni Jace, napatawa yung mga kaklase namin pati na din ako. Ang kulit talaga niya.

"Ulol." sambit naman ni Red, agad niyang kinuha yung papel ni Jace at pinasa sa teacher kasama nung sakanya. Hindi mapinta ang mukha ni Jace that time, para siyang bata na binigyan ng lobo pero pumutok din lang naman yun agad. Hahaha!

Pagtingin ko kay Keith, wala na yung papel niya sa table at kasalukuyan na siyang nag-aayos ng gamit niya. Nang nakita niya akong nakatingin sakanya, he raised his eyebrow at me then talked, "Napasa mo na papers mo?"

Tumingin ako sa hawak kong papel at umiling.

He motioned his hands towards the teacher, parang sinasabi na ipasa ko na.

Tumango lang ako sakanya then tumayo na para maipasa ang sagutang-papel ko.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon