Suga 28 - Kevin Lee

7.6K 436 170
                                    

Chapter 28 – Kevin Lee

2:46am na pero gising pa rin ako. Nakabantay pa rin ako kay Kuya Johann. Alam kong payapa siyang natutulog at safe na siya pero di pa rin ako mapakali. Nakarating ako dito sa Manila ng kahapon na gabi, pero hanggang ngayon hindi pa rin ako natutulog.

Di ako makatulog.

Pinagmamasdan ko si Kuya habang nagbabaliktanaw ang utak ko sa mga sinabi ni Dr. de Mesa tungkol sa kalagayan ng kapatid ko.

"Lalong lumala ang sitwasyon ng kapatid mo, Carmille. He's hallucinating even more. Lagi siyang takot at tila galit na galit." report sa akin ni Dr. de Mesa, bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

Ako naman, di ko mapigilang di umiyak.

"Ano po bang p-pwedeng g-gawin kay Kuya?" I asked.

"Maybe it's okay if we send him abroad. We all know na mas advance ang medical technology doon. Tsaka sa tingin ko mas makakalimutan ng Kuya mo ang nangyari sakanya if he will experience a new surrounding. Yung walang nanggugulo sakanya, walang nagtitrigger sa kanya para bumalik yung traumatizing memories na nasa utak niya."

 

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"

"Well, lagi kong chini-check sa digital surveillance system kung sino ang bumibisita sa Kuya mo. This past few days, may consistent na bumibisita sakanya. And I observed na, the more na nagkakaroon ng interaction ang visitor na yun at ang Kuya mo, lalong lumalala ang sitwasyon ni Johann."

"Meaning, may gumagambala sa Kuya ko?"

"Yes. And it appears by the name A.K"

 

Naikuyom ko ang mga palad ko ng maalala ko na naman ang pangalan na yun. It’s haunting me like a dreadful nightmare. Gusto ko nang malaman kung sino ang A.K na yan. But by the looks of it, parang kilala ko na kung sino.

Its either si Xander Aquino or si Keith Alferez.

Those two names kept on popping inside my mind whenever I think of A.K

***

Kinabukasan, I decided na umuwi muna sa apartment para makapagpalit ng damit. Amoy taong-grasa na ako. Huahua. Kulang nalang i-cast ako sa telenovela na Yagit ng GMA. (Uy nanunuod si author niyan! XD)

Nang makapagpahinga ako ng unti at makapag-alis ng libag, bumalik agad ako para mabantayan si Kuya. May nakita akong mini-park sa katabi ng mental facility. Siguro kailangan ko namang magrelax, grabe na ang mga nangyayari sa akin.

Umupo ako sa swing at tahimik na sini-sway ang sarili ko. Tulala lang ako.

*kriingg~*

Napatingin ako sa cellphone ko.

Livogue69_Jace calling…

Napangisi nalang ako. Matapos nilang gaguhin ang Kuya ko tatawag-tawag sila? Hinintay ko nalang na matapos ang call nang hindi iyon sinasagot.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon