Suga 46 - Runaway

8.2K 370 494
                                    

46 – (THIS IS THE REVISED CHAPTER. LONGER UPDATE) as always, enjoy reading.





NEW YEAR SPECIAL SHORT UPDATE :* + NEW SCENES

Withered Leaves by BTS as inpiration of this chap. Play media for feels. :)





SHAWN's POV

Lumabas ako ng building ng luhaan. Daig ko pa yung mga taong palaboy, atleast sakanila may nagaabuloy. Eh ako? Nanghihingi nalang nga ng katiting na pagmamahal, iniwan na nga, pinaasa pa. Kunting pagkakataon lang ang hinihingi ko, pinagdamot pa. Pero kahit ganoon, tangina, di ko pa rin kayang magalit sakanya.

Hindi ko talaga maintindihan si Carmille. Akala ko ba ako yung Shawnito niya? Hindi pa ba sapat? Dapat siguro binenta ko na kay satanas yung kaluluwa ko, malay natin baka sa ganoong paraan maramdaman niyang nandito ako. Ilang beses na siyang pinaiyak ni Keith, at sinong nagpunas ng luha niya? Ako. Ilang beses siyang tinarayan ni Xander, sinong nagtanggol sakanya? Ako na naman. Amazing. Ang tanga kong gageu.

Naglakad-lakad nalang ako sa daan; tulala, tahimik na umiiyak. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Kung pwede lang lumipad papuntang Mars, ginawa ko na. Tangina, asan ba kasi yang NASA na yan? Magpapahuli na ako.

Sa di kalayuan, nakakita ako ng skateboard na kulay pula at may kung ano-anong design. Nilapitan ko nga.

Pagtingin ko, may design na "Niq" sa board. Hahawakan ko na sana ng biglang...

"Hoy, manong, akin yan!"

Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nakasuot siya ng bullcap, loose tshirt, jeans at converse na sapatos. Kumakain siya ng burger, at di tulad ng ibang babaen, masyado siyang madungis kumain. Sayang maganda pa naman. Siga ang image niya pero kabaliktaran ang mukha niya dahil maamo itong tingnan at di maipagkakaila ang ganda niya.


Pero wala pa ring makakatalo sa taglay na ganda ng Carmilita ko.


Shet, ayan na naman tayo Shawn Villareal eh! Wala na. Iniwan ka na. Magpapakasal na yun at sa kaibigan mo pa, mahal naman nun ay isa pang kaibigan mo. Oh di ba? Wala kang panama. Bestfriend lang ang role mo kaya wag kang ano diyan!


"S-sorry, miss, tinitingnan ko lang naman." Sagot ko sakanya.

"Okay lang, manong. Sige lang. Regalo yan sakin ng kuya ko. Saan ba ang barong-barong mo, samahan na kitang umuwi sa pamilya mo." Sabi niya.

Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Di ko alam kung nangaasar ba siya o ano. Bangasan ko kaya 'to? Mapanginsulto eh. Kaso di ako pumapatol sa babae. Ganun na ba kasura ang itsura ko at napagkamalan niya akong ganun?

"Hoy, miss!" Maangas kong sabi. "Hindi mo ba ko kilala?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka sumagot, "Wait! Alam ko na! Ikaw yun yung nagdeliver ng Aquabest sa bahay kahapon! Oo ikaw yun, nag-ahit ka lang! Hahaha coincidence talaga manong, galing eh!" tuwang-tuwa niyang sabi.

Inirapan ko lang siya, tuwang-tuwa pa siya sa lagay na yan ah. Wow talaga. Di ako makapaniwala na sa gwapo kong 'to walang nakakakilala sakin.

"Mali ka. Hoy hoy hoy! Anak ako ng nagmamay-ari ng V Airlines. At yang hotel na nasa likuran ng park na 'to ay pagmamay-ari namin." Pakilala ko sakanya, slash pagmamayabang.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba leshengina, di pa naniwala.

"Sige, sabi mo eh. Eto, may burger pa ko. Kumain ka na, gutom lang yan." alok niya sakin. Umupo kaming dalawa sa malapit na bench at doon kami kumain ng walang imik. Sa buong araw, ngayon lang ako nakapagpahinga sa kakaiyak at kakawala. Wala eh, ganoon talaga kapag heartbroken. Buti nalang nakilala ko 'tong si, ay ano nga pangalan neto?

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon