Suga 36 - Plans

8.2K 409 497
                                    

36 - tingin kayo sa mm! I know walang connect dito sa MPYASGD and PDJ pero....SOBRA LANG TALAGA AKONG HAPPY. Hahaha. Di ko alam na nakaabot sa IG ang PDJ. Huta, naiiyak ako. This is happy tears. Lol. Salamat guys! Sa nagpost niyan—-SALAMAT TALAGA. Dapat mapadpad ka dito para malaman mong super thankful ako. :) HAHAHA Happy 40.3K reads! Ahue. Sorry sa tagal na UD.


#BTS3rdWin

Magsaya tayo, ARMY! :D


XXXXX


*kriinggg~*

Nagising ako ng tunog ng cellphone ko. Walang pasok ngayon dahil Retreat daw ng mga teachers. Dami na namang alam. Nakapikit pa ang mga mata ko saka inabot ang cellphone sa may table katabi ng kama ko.

Sino naman 'to? Aga-aga nambubulabog.

3 messages received.

Tatlo? Aba peymus.

From: Shawnito Crush baby

Good morning, Carmilita ko!

Araw ka ba? Kasi ikaw ang dahilan ng paggising ko. Hahaha :*

Pesteng alien 'to. Ang aga-aga nang lalandi na naman. Pero sa totoo lang, nakangiti ako sa lagay kong 'to. Shawn never fails to make my heart giddy. Ajujuju. English! Isama sa Tropang Livogue69! HAHAHAHA

From: Xander

Wake up.

Wow! First time kong makareceive ng text niya pero uutusan niya pa ako. Galing talaga niya manira ng araw. Psh.

From: Xander

Ingat ka.

Hindi ko alam kung bakit nagising ang buong diwa ko sa pangalawang text ni Xander. Kumakabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Nakangiti ako na naiinis na ewan. Kasi naman eh! Ganyan ba talaga siya? Bibigla nalang na nagpapakilig. Jusko, lord! Isang drum nga po para malagyan ng feels.

Pumunta na ako ng CR at naligo na agad. Habang nagbibihis napansin ko yung kwintas na suot ko.

Ito yung bigay sakin ni Keith.

Inalis ko yun saka hinanap ko kaagad yung isa na bigay naman ni Xander. Pinagmasdan ko yung dalawa, magkaparehas nga. Totoo kaya yung sabi ni Jace o nagpapaka-assuming lang ako? Tinago ko yung isang kwintas sa color brown kong box saka nagbihis.

Habang yung isa, sinuot ko.

Nagprepare na ako, mamayang gabi na kasi ang World Traders' and Business Summit. Hanggang ngayon di ko rin alam kung bakit ako nasama dun. Bahala na.

Habang inaayos ko yung gown na susuotin ko para mamaya, di ko maiwasang kabahan. Paano naman kasi, naalala ko yung mga tingin sakin ng hitong si Vanessa. Kapag talaga may ginawa siya sakin na hindi maganda, ipapaihaw ko siya.

*****

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon