Suga 35.1 - You're My

11.3K 439 598
                                    

35.1 - Sorry sa tagal ng UD. =( Patawarin niyo ang swaeg ko. Huhu


Nakatingin ako sa harap ng salamin. Paikot-ikot. Kanina pa nga ako nagagageu sa sarili ko kasi hindi ako natitigil sa lagay ko. Tumingin ulit ako sa full length mirror. Ayos naman akong tingnan. Nakasuot ako ng light pink na gown. May see-through sa part ng likod ko atsaka sa braso. May mga swarovski diamond din na nagpapalamuti sa gown ko. Mukha akong walking christmas light dahil sa kinang pero mukha pa namang tao—pero bakit iba pakiramdam ko?

WAAAAAH! Leshe kasing Prom Night 'to! Kinakabahan ako!

Umupo ako sa dulo ng kama ko saka kinuha ang cellphone ko.

1 message received:

From: Keith

Ready?

Jusko! Kung maka-ready akala mo naman may magaganap na milagro samin! Eh susunduin niya lang naman ako dito sa apartment ko e! Pero bakit nga ba ako kinakabahan? O baka naman gutom lang 'to. Kakain nalang nga—Di na pala ko pwedeng kumain, naka-lipgloss at nakatoothbrush na ko.

Help me, Lord!

*tok tok tok*

"Ay huta, nandiyan na sila!" natataranta kong sabi. Nagmamadali kong kinuha yung purse ko at nagsimulang tumakbo ng sobrang awkward kasi nga naka-heels ako. Anak ng hito! Kaya ayokong nasuot ng heels eh! Kakairita!

*tok tok tok*

Wow, bhe? Atat lang? Di alam yung word na 'sandali', 'wait' saka 'teka'? OA.

Lumapit ako sa pinto. Huminga ng malalim at hinawakan ang doorknob.

Okay, this is it! Kaya yan ng kalandian mo, Carmille.

Binuksan ko ang pinto at isang malaking yakap ang natanggap ko kay Aikee. Lesheng baklitang 'to! Ang ganda na sana nung exit ko! Yung tipong may hangin na umiihip sa buhok ko tapos magsoslowmo ang paligid sa paningin nila... tapos sisirain niya?! Anak ka ng hito, bespren!

"Ang ganda mo, bh3! Inggit me." natatawa niyang sabi habang hinawakan ang hairdo ko.

"Edi nagsuot ka din sana ng gown!" ismid ko sakanya.

Kakabadtrip. Sinira niya ang mood ko. Pero bespren ko parin siya kasi bati na kami agad. Huehue.

Napagpasyahan namin na lumabas na may naghihintay daw kasi saming kalesa. Ang galing! Inarkila pala si Alexis. Huehue. Joke lang talaga! Limousine ang peg namin. Jusko! Para saan pa at naging anak ng mayayaman ang Stanville Army.

Nung una, pakeme pa akong naglalakad kasama ni Aikee. Ewan ko ba, hindi ako confident tsaka medyo natatapilok ako sa suot kong sapatos. Ang sarap ngang magpaa e, Cinderella lang.

Nakita ko kaagad si Keith.

Naka-black tuxedo. May dalang bulaklak. Ang linis nyang tingnan, hindi mo mahahalatang gageu. Naka-gel ang buhok niya at nakatayo siya ng maayos. Ganda ng posture. Pero seryosong usapan, ang gwapo ngayon ni Keith. Okay, LAGI siyang gwapo pero yung appeal niya ngayon...augh! Napalunok nalang ako.

Nang makalapit ako ng bahagya, tiningnan niya ako sa mata.

His gaze was piercing me. Pakiramdam ko butas na ang mukha ko dahil sa mga titig niya. Maya-maya, bigla siyang ngumiti—hindi pala, NGUMISI.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon