Suga 43 - Give Up

9.2K 408 604
                                    

       

43

Mukha na siguro akong tanga dito sa lagay ko. Umiiyak habang naglalakad sa sidewalk at isa-isang tinatapon sa daan ang bawat pahina ng dala dala kong notes para sa pesteng Alferez na 'yun. Kung bakit ba kasi ako nagpapaniwala sakanya eh hindi naman kapani-paniwala ang pagmumukha ng ulol na 'yun.

Dahil medyo sumasakit na ang paa ko at hindi ko na makita ang daan dahil sa nakakalesheng mga luha ko, umupo muna ko sa isang bench sa tabi ng daan na malapit sa isang park. Hayaan niyo munang dito ako magdrama ng mala-MMK.

Bwisit ka talaga, Keith! Akala mo ba susundan ulit kita sa airport? Neknek mo! Sinusumpa ko ang gilagid mo na sana mabulok na! Itaga niyo yan sa abs ni Jace. Huhu

Dahil sa sobrang inis kay Keith, di ko namalayan na dahan-dahan ko na palang pinupunit ang mga papel na hawak ko. Tapos basta-basta ko nalang na tinatapon sa paligid, isabay mo pa yung hangin na nagkakalat pa nun lalo. Ay ewan! Wala akong pake, walang makakapigil sakin!

"F**k, man! Sino bang nagkalat ng lesheng basura na 'to?"

May narinig akong boses, pero di ko pinansin. Busy ako sa kakapunas sa luha at sipon ko. Bakit ba?

"Hoy miss--"

"ANO BANG PROBLEMA MO? EDI KUNG NAKAKALAT YUNG BASURA, PULUTIN MO! BUSY AKO SA KAKA-EMOTE DITO TAPOS--"

"Bakit ba nag-iingay dito ang reyna ko?" nakangisi niyang sabi tapos tumabi sakin.

T-teka? Bakit nandito ang ugok na 'to? D-di ba, umalis n-na siya? Utang na loob, panaginip ba 'to? Hallucination ko ba 'to tulad nung nangyari kay Jin sa On Stage Prologue nila? Huhu.

"K-keith? A-anong...LESHENGINAMO! ALAM MO BANG NAGMUKHA AKONG TANGA NUNG SINABI NUNG UGOK MONG KATRABAHO NA UMALIS KA?! Ang gago mo!" walang humpay ko siyang pinaghahampas gamit yung natitirang papel. Pilit nama siyang umiiwas, kaso on point lagi ang patama ko. Magdusa kang swaeg ka!

"Ano bang pinagsasabi mo? Umalis ako kasi--ARAY, ANO BA?--kasi day off ko ngayon! Tapos-AH S**T! MASAKIT SABI EH!" Bigla nalang hinawakan ni Keith ang wrist ko saka ako pinigilan sa paghampas sakanya. Lumalaban ako kaso ang lakas ng gilagid na 'to.

"Makinig ka nga muna! Para ipaalam ko sayo, day off ko ngayon kaya umalis ako dun! Kailangan kong maghanap ng isa pang part-time job para matustusan ko ang sarili ko dahil ayokong dumagdag sa gastusin sa bahay at sa kompanya. Kaya heto ako, nagtitiis na maging isang street sweeper sa araw na 'to." explain niya sakin.

Nagkatinginan lang kaming dalawa, obvious naman sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo pero ayoko pa rin talagang maniwala sa lalakeng puro infires lang ang nalalaman.

Pero seryoso? Street sweeper? Jinojongdae niya ba ko?

Tiningnan ko naman siya. Nakasuot siya ng isang navy blue na protective jacket laban sa sikat ng araw, at may nakaprint doon na "Street Sweeping Team" doon. Okay fine, naniniwala na ko.

"Hoy, Carmille. Iniisip mo ba talaga na kaya kitang iwan? Kung kaya ko yung gawin, edi sana matagal na kong wala dito sa Pilipinas. At kung aalis man nga ako, isasama kita. Naintindihan mo?" mataray niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin sakanya, "Kailangan ko bang kiligin sa sinabi mo?" parang ewan kong tanong. Sa totoo lang, namumula na kasi talaga ang pisngi ko.

"Hindi mo kailangang kiligin dun." tugon niya, "Pero baka dito, oo."

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya't agad akong napalingon sakanya. Sakto namang paglingon ko, nakalapit na ang mukha niya sa akin. Unti-unti pa siyang lumapit saka dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa pisngi ko.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon