Suga 41 - Condition

8.8K 457 409
                                    

41 - 70K reads! Kamsahamnida! *Bows 90 deg.*

Keith's POV

"Dude, I swear, kapag hindi ka tumigil sa kakatitig kay Carmy, isusumpa ko yang mga singkit mong mata." mapang-asar na sabi sakin ni pandak.

Kung makapagsalita, akala mo pagkalaki-laki ng mata niya. Aysus! Matangkad ako sayo ng 1cm, kaya manahimik ka!

Inirapan ko lang siya. Kakabalik ko lang kahapon sa bahay. Matapos akong puntahan ni Carmille sa coffee shop, pinilit na niya akong umuwi at syempre, sumunod naman ako.

Ilang araw akong wala dahil mas ginusto kong mapag-isa, at mag-isip-isip na din ng mga pwede kong magawa para sa pagahon ng negosyo namin. Naghanap ako ng sarili kong trabaho dahil ayokong maging pabigat sa pamilya ko.

Napatingin ako bigla kay Shawn na nakatingin din kay Carmille.

Sa paraan ng pagtingin niya sakanya, nag-iba ang aura ko bigla. Ang lagkit kasing makatingin kay Carmille e, makikita mong-kumbaga-parang kumikinang.

At sa totoo lang, hindi ako natutuwa sa inaasal ni Shawn Villareal.

"Lagkit ng tingin mo kay, Shawn ah. Crush mo, swaeggy boy?" di ko namalayan na nakabalik na pala si Carmille sa table namin. Umupo siya sa gitna nina Aikee at Elize.

Leshe. Inasar pa ko.

Binuksan ni Carmille ang coke-in-can na binili niya saka desididong lumagok doon. Napansin ko kung paano na naman napatingin si Shawn sa lips ni Carmille.

Tangena, pigilan niyo ko baka mabawasan ng alien ang Mars. -___-

Pakatapos uminom ni Carmille, pinunasan niya ang labi niya saka nilapag sa mesa ang lata ng coke. TINGIN MO NA NAMAN, VILLAREAL?

Ano ginawa ko? Huh! Kinuha ko yung coke in can saka uminom doon mismo sa parte kung saan dumampi ang labi ni Carmille.

Indirect Kiss.

Geh, mainggit ka, Shawn. Mainggit kang hinayupak ka!

O-O Ganyan mismo yung tingin ni Carmille at ng ibang Stanville Army sa akin.

Pero wala akong pake. I don't give a shit.

"*cough* Indirect kiss *coughs*" parinig ni Alexis habang kunwari nauubo.

Sus! Nauubo yan kasi nabilaukan ng damo!

"Puro kayo indirect kiss. Psh." Nakangising sabi ni Shawn. Ang sarap bangasan para maalis yung mapanlokong ngiti sa labi niya.

"Bakit? Nahalikan mo na ba si Carmille?!" diretsahan kong tanong.

Nasamid bigla si Carmille sa tanong ko. Inirapan ko lang siya.

Siniko naman ni Shawn si Carmille, lalong lumawak ang ngiti ng loko,

"Oh Carmille, kung nahalikan na daw kita? Haha."

Gageung 'to ah! Inaasar ba ko neto?!

"Hoy mga leshe! Bago kayo magkainitan diyan, magdesisyon na kayo kung anong oras tayo pupunta ng ospital." Saway samin ni Red.

Nanlaki naman ang mata ni Carmille sa narinig.

"OSPITAL? SINONG NASA OSPITAL? BAKIT OSPITAL? KELAN NAOSPITAL? TANGENA SAGUTIN NIYO KO!" sunod-sunod na tanong niya.

"Ateng, kalma! Juz come down." - Aikee

PDJ. Ok naman. -__-

"Si Xander. Nasa ospital." Malungkot na sabi ni Red.

Mr. Popular, You Are So Going Down! [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon