thirteen

24 6 0
                                    

Nagising ako dahil narinig kong bumukas ang pinto ko. I mean, 'yung pag-accept ng code muna tapos 'yung pagbukas na.





Ako lang mag-isa dito sa unit ko, 'di ba? Imposible namang multo ang gagawa non. Ang lakas naman niyang buksan 'yung main door ko na mabigat.





Babangon na sana ako kaso narinig ko boses ni Kuya Kai sa labas. Umayos na lang ulit ako ng higa at niyapos teddy bear ko.





"Morning, antukin! Magtatanghalian na! " panggigising niya. Ang ingay talaga.





Naramdaman kong kinuna niya 'yung unan sa paahan ko kaya gumulong ako sa kabilang side ng kama ko. Mukhang alam ko na ang gagawin niya eh.





"Oy! Gising na, magtatanghalian na!" sigaw niya at hinampas sakin 'yung unan na kinuha niya kanina.





Kaya ako gumulong sa kabilang side kase alam kong gagawin niya 'yon.





"Hindi pa naman tanghalian, eh! 'Wag mo muna akong gambalain" tinakpan ko rin ang tenga ko para magmukha akong hindi talaga interesado sa mga balak niyang sabihin.





"Kailangan mong magligpit sira! Pupunta daw dito sila mommy! Tamo mayayari ka nanaman don" bigla akong napabangon nang sabihin 'yon ni Kuya. Seryoso ba siya? No joke?!





"Ikaw na bahala sa hinigaan ko, please!" nagmamadali kong saad sabay takbo sa cr.





Agad akong naligo at hindi na nagmusic pa. Kailangan ko kaseng magmadali eh. Baka dumating sila, galunggong nanaman ako sa nanay ko.





Nagsuot na lang ako ng sweater at shorts pagkatapos. Dahil naayos na 'yung kama ko, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko naman si Kuya Kio na nagva-vacuum, lumapit naman agad ako.





"Kuya, ako na dyan!" inagaw ko sa kanya ang hawak niyang vacuum cleaner. Ramdam ko din na nagcrossed arms siya kaya tumalikod ako.





"Are you cleaning your condo? Ang dumi dumi, oh. Naghuhugas ka lang ata ng pinggan, mukhang pilit pa" sita niya sakin. Ako naman hindi makatingin sa kanya, kase sobrang totoo!





"Gusto rin ata na may yaya dito" natatawang sabi ni Kuya Kai habang inaayos ang mga sapatos ko sa shoe rack.





"Dapat pala nadalaw ako dito kahit once a week. Scam ka kase sa call" sabi ni Kuya Kio at pinitik ang noo ko. Kelan pa siya napunta sa unahan ko?!





Napatigil tuloy ako sa paggalaw ng vacuum cleaner at hinawakan ang noo ko. Kaya ayokong nagpapapitik sa kanya, eh. Ang sakit, lagitik pa.





Tinatawagan niya kase ako minsan, tapos tatanungin kung nakapaglinis na daw ako. Syempre para 'di ako mapagalitan sa call, sinasabi kong nakapaglinis na.





"Anong oras daw darating sila mommy?" pag-iiba ko ng usapan.





Nahihiya ako bigla, eh. Pagiging makalat ko dito ang pinapag-uusapan eh.





"No idea. Basta sinabi lang niya na pupunta daw siya dito" sabi ni Kuya Kio.





"Nagsabi lang naman kami na dadalhin namin 'yung gamit mo kaya kami umalis ng bahay" dagdag ni Kuya Kai.





"Buti pinayagan kayo" loko kong tugon.





"Kapatid ka namin Kei. Gagawin namin ang lahat para sa'yo" sweet na tugon ni Kuya Kio kaya ngumiti na lang ako. Ito naman, nagloloko lang ako, eh.





Boy Next Door || ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz