four

38 9 0
                                    

Days pass so quickly, debut ko na ngayon. Ito ang isa sa mga araw na pinakahinihintay ko.





Madami ka na kaseng magagawa kapag legal ka na, 'di ba? Kaso pede ka na rin sa kulungan. Plus, tumatanda ka na.





Sa mga araw na lumipas, pilit kong iniiwasan si Shawn. Ewan ko lang kung bakit, pero ginagawa ko talaga. Simula 'yon noong sabay kaming umuwi. Nung birthday ng tatay niya.





Although, nagkikita kami sa school, hindi naman niya ako pinapansin. And that's good, I think? Or sadyang hindi niya lang ako napapansin.





Pero ewan ko talaga, hindi ko alam kung bakit ko siya iniiwasan. Baka sadyang may saltik lang ako sa utak.





Sakto, magnu-neurosurgeon ako. Operahan ko na lang sarili ko in the future. Baka may maluwag na screw lang.





"Now for the eighteen roses!" excited na saad ng MC.





Tumayo na agad ako kahit kakaupo ko lang. Sinenyasan kase ako ginawa ko lang. Buti long gown suot ko, hindi pansin na nakarubber shoes ako.





My dad arranged all of this. Kahit 'yung mga nasa 18 bills, cake at shots siya ang nag-ayos. Kaya pati dito sa roses siya ang nag-ayos.





Pero nagulat talaga ako ng ilagay niya lahat ng kaibigan ko sa shots kaso hindi don nabanggit sila Lucas. Baka dito sa roses.





Naka-ilang lalaki na ang nakasayawan ko at mga pinsan ko 'yon. Plus, anak ng mga business partner ni Dad. Hindi naman ako nagtataka kung bakit sila imbitado.





"Earl Jeremy Gomez" binitawan ko na kamay ni Kuya Eli, pinsan ko, nang magbanggit ng bagong pangalan ang MC.





Napangiti ako ng malapad ng lumapit si Earl sakin may dalang rose kaya tinanggap ko 'yon. Agad naman akong nakarinig ng kantyawan galing sa mga kaibigan ko kaya binigyan ko sila ng nakaka-asar na mukha. Nakisali pa nga ang MC.





"Bakit 'di mo sinabi sakin na kasali ka?" tanong ko sa kay Earl. Nagsimula na rin kaming magslow dance.





"Nagsabi ako, ha" kumunot ang noo ko nang sabihin niya 'yon. Wala naman kase akong maalala.





"Kelan?"





"Noong isang isang isang araw, Wednesday ata. Sabi ko, hindi ako marunong sumayaw" sabi niya dahilan para mas kumunot noo ko. Sana hindi masira make-up ko.





"Ah, malay ko ba. Akala ko kase sa klase niyo 'yon" natatawa kong saad nang maalala. 'Yon pala 'yon.





"Sira ka. Mag-pipiloto ako, ha. Ano 'yon sasayawan ko mga pasahero ko?" hinampas ko siya dahil sa sinabi niya.





Omg, my brain. Why ka naman ganyan?





"Hoy, wala akong sinasabi, ha? Ikaw na kusang nag-isip nan" depensa niya sa sarili niya.





"Che!" sabi ko at tinignan siya ng matalim sa mata. Binawian naman niya ako. Pero sa huli nagtawanan na lang kami.





Tumigil lang ako sa pagtawa nang may marealize ako. Ang tagal na naming nagsasayaw. Mas matagal pa 'to kesa sa iba.





Hinanap ko ang MC sa pwesto niya kanina kaso wala na siya don. Nagwave siya ng hand kaya nakita ko siya sa crowd. Anong ginawa niya don?





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now