eight

27 6 0
                                    

"Are you dating someone?" napataas ang isang kilay ko dahil sa tanong niya. Saan nanggaling 'yung tanong na 'yon?





Umiwas ako ng tingin sakanya habang nakangiti. Umiiling iling pa nga.





"Seriously? Sa tingin mo sasama ako sa condo mo ngayon kung may dinadate ako?" tanong ko. Grabe naman ako non.





Binitawan niya ang lapis na hawak niya para hawakan ang baba niya. Tumingala din siya sa taas at mukhang may iniisip.





"Hmm, I know many girls" sagot niya sabay tingin sakin. Napaiwas tuloy ako ng tingin sakanya.





"Well, 'wag mo kong ibilang sa kanila" sabi ko sakanya sabay kuha ng iPad ko sa bag. Dapat 'di ako tutunganga madami pa kong kailangan ipasa.





Nagstay lang ako sa condo niya hanggang 10, ata. Kahit isang oras na ang nakalipas nang matapos niya 'yung drawing. Tinapos ko lang kase 'yung report ko at baka mawala sa utak ko ang mga ideya.





"Uh, thank you dito" sabi ko sabay taas sa folder na may drawing niya.





Sa susunod ulit. Joke.





'Di ko na sinuot 'yung sapatos ko binitbit ko na lang. Tatangalin ko rin naman pag-uwi, sayang pa effort ko.





Hinawakan naman niya 'yung pinto niya para makalabas ako ng ayos. Nang makarating ako sa tapat ng unit ko, tinignan ko siya kase nakatingin pa rin siya sakin.





Kumunot noo niya dahil sa ginawa ko. Pasimple kong tinignan 'yung pinto ko kase kailangan kong pindutin 'yung passcode ko. Eh, andon siya.





Nang magets na niya ang tinutukoy ko, tumingin siya sa ibang direksyon. Mabilis kong pinindot 'yung code ko kase baka mangalay siya.





"Sige na, thank you ulit" sabi ko sabay pasok. Nakita ko naman siyang tumango bago pumasok na rin sa unit niya.





Binitawan ko na 'yung sapatos ko at tumakbo sa isang kwarto kung saan ako nag-aaral.





"Pota, ang dami ko talagang ipapasa" sabi ko habang natatarantang nagttype.





Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog basta ang alam ko, dito na rin sa lamesang 'to ako natulog. Nagising lang ako nung mag-alarm 'yung phone ko.





Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili bago ako pumunta sa parking lot. Sakto, ako na lang ang hinihintay.





Kotse ni Jyro ang gamit ngayon. Paikot-ikot lang naman sa kanilang tatlo ang pagdadala ng kotse, eh. Syempre, hindi pa ako kasali don.





"Hoy, Kei! Gaga, gising na!" nagising ako nang sobra akong inalog ni Madi. Pota, ano nang nangyayari.





"Good morning" natatawang sabi ni Jyro kaya tinignan ko siya ng masama. Ginala ko 'yung tingin sa paligid ko at nakita ko na nag-aayos na sila ng gamit.





"Anong nangyayare?!" pota, nakakataranta. Hindi ko alam kung anong nangyayari.





"Pre, awasan na. Tulog pa" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Bella. What the fuck?!





"'Wag kang mag-alala napasa namin 'yung mga dapat ipasa sayo" sabi ni Madi at pinat 'yung ulo ko.





"Bakit ka kase puyat na puyat pre? Pinuyat ka ba niya? Pft" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Bella. Pinagsasasabi nito?





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now