twenty-nine

27 8 2
                                    

"Ate, aga mo atang aalis?" tanong ni Rae habang nag-uumagahan kaming dalawa. Ngayon lang kase ako sumabay sa kanya mag-umagahan na nakabihis na.





"Nabago kase schedule ko. Ikaw din, ang aga mo ngayon," plano ko kaseng balikan na lang siya mamaya para ihatid sa med school niya, kaso naabutan kong nakabihis na rin siya.





"Kailangan kase namin maggroup study ng bonggang bongga," sabi niya sabay halumbaba. Mahina kong hinampas 'yon kase masaba daw maghalumbaba sa hapag.





"Group study ba talaga oh an-," natigil ako sa pagsasalita ko nang bigla niya akong sipain sa ilalim ng lamesa. Tumawa na lang ako habang nakatingin sa inis niyang mukha.





Parang may problema, ah.





Hindi ko na lang siya pinansin para 'di maka-abala sa pagrereview niya. Puta, nakikita ko sarili ko sa kanya. Ganyang ganyan din ako noong nasa America pa ako.





"Morning," napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig don ang boses ni Shawn. Halatang bagong gising gawa ng buhok at mukha niya, pati na rin 'yung paghikab niya.





"Ang aga mo naman," sabi ko at tumayo para magtimpla ng kape niya. Umupo naman siya sa usual spot niya habang nakapikit.





"Body clock," sabi niya. Grabe, ang aga naman.





Ano kayang ginagawa niya ng ganitong kaaga? I mean, sakto lang ang aga na 'to para sa mga nagtratrabaho... Ah, basta, hindi kase ako sanay sa maaga.





"Ikaw rin, ang aga mo," nakita kong tumingin siya sa 'kin kaya ningitian ko siya. Binigay ko na rin ang kape niya bago siya hinalikan sa pisnge.





"I need to go somewhere with Lucas," sagot ko at pinagpatuloy na ulit ang pagkain. Ramdam ko na nakatingin lang siya sa 'kin, walang sinasabi. Maya maya naman kumain na rin siya.





Nang matapos na kami, niligpit ko na ang pinagkainan namin bago nagtoothbrush. Akala ko nga babalik na si Shawn sa unit niya pero nakita ko siya sa sofa, naka-upo. Lalapitan ko sana siya kaso biglang may nagdoorbell kaya ayon na muna inuna ko.





"Tara na ba? Agang aga ng seven, ha," salubong sa 'kin ni Lucas pagkabukas ko ng pinto.





Kung hindi ko siya kailangan ngayon, siguro nasaraduhan ko na siya. Para kaseng pang-asar lagi ang mukha.





"Teka, tatawagin ko lang si Rae at ihahatid na muna," sabi ko sabay talikod para puntahan sa kwarto pinsan ko.





"May ihahatid ka pa nga pala," narinig kong sabi ni Lucas bago ko narinig ang footsteps niya papasok. Pero agad ding nawala.





"Rae, tara na ba?" tanong ko. Tumayo na siya sa kama niya habang may binabasa pa rin kaya lumabas na kaming dalawa.





"Love, alis na kami. Ikaw ba?" tanong ko nang makarating ako sa pwesto niya. Nakita ko naman si Lucas na parang na-estatwa sa may isang tabi. Nakangiti rin siya ng awkward.





"Sama," cute na sabi niya sabay lapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya bago ngumiti. Sinenyasan ko na rin si Lucas na lumabas na.





"Don't bring your car na. Babalik pa naman tayo dito," 'di ko pa kase dadalhin 'yung gamit ko pangtrabaho. Phone at wallet lang ang dinala ko.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now