twenty-one

21 7 1
                                    

"Thank you for everything, Tita Ai, Tito Gerry" matagal ko silang hinug pagkasabi ko non. Mamimiss ko sila. Sila tumayong magulang ko for these past years, eh.





"Anything for you, Kei, anak" maluha luhang sabi ni Tita kaya kiniss ko siya sa cheeks niya. Tuluyan na rin akong pumasok sa loob ng airport after non.





Baka kase magback out pa ako at mas piliing magstay dito sa California.





Magstastay na ulit ako sa Pilipinas after so many years. Nabalik naman kase ako pero konting araw lang. Para sa mga special events lang, ganon.





I haven't seen my friends for a while since all of us are busy. Sila busy sa pamilya at trabaho, samantalang ako busy sa fellowship ko. Kaya hindi rin ako naka-uwi ng dalawang taon ba?





Actually, nagtrabaho na ako for two months dito sa Filipino hospital sa California, for experience. Kaya sa shared hospital nila din ako magtratrabaho. Nirecommend kase nila ako don pamula nang malaman na babalik na ako dito.





Kaya pala naging shared hospital kase naikasal ang isang family member nila sa anak ata or mismong may ari ng pagtratrabahuhan ko ngayon. Not sure. Narinig ko lang naman 'yon.





Buong byahe ko, tulog lang ako. Wala kase akong magagawa dito, wala rin akong makakadaldalan. Tulog rin naman katabi ko, kaya tulog na lang din ako.



"Kuya, where are you?" tanong ko sa kausap ko sa phone.





Andito na ako sa NAIA terminal 2 inaantay ang sundo ko which is si Kuya Kai. Akala ko nga andito na siya ng gantong oras. Si Kuya Kio kase may business trip sa Dubai kaya no choice ako.





[Ha? Ngayon ba?]





Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya?





"Don't tell me you forgot about my flight" fuck. Sa dami ng pwede niyang makalimutan, bakit ito pa?





[Ah... Eh...]





Napamasahe na lang ako ng sintido ko dahil don. Magsasalita pa sana ako kaso narinig kong nagfake choppy si Kuya sa kabilang linya bago niya inend 'yung call.





Paano ko nasabing fake choppy? Hindi naman kase choppy 'yung aircon niya sa likod. Hindi niya ata binayaran.





"Animal" bulong ko na lang sa sarili ko bago binaba 'yung phone. Cocontact-in ko sana siya ulit kaso may biglang tumakip ng mata ko kaya napasigaw ako sa gulat.





"Shh, ang ingay naman" narinig kong bulong niya. Siniko ko siya kaya napa-alis siya sa pagkakatakip sa mata ko.





"Lucas, dami mong alam. Lintek ka" sabi ko sa kanya at inayos 'yung buhok ko. Feeling ko kase nagusot.





"Ako lang 'to, Kei" nagmake face na lang ako dahil sa sinabi niya. Ang hangin naman dito.





"Oo, ikaw nga. Daming alam na kalokohan, eh" asar ko bago siya binelatan. Bumelat naman siya pabalik. Para tuloy kaming mga bata.






"By the way, what are you doing here?" tanong ko sa kanya. Umayos na rin ako ng tayo kase nakakaramdam na ako ng ngalay.





"Hindi kase kita sinusundo, ano? Kaya ako andito kase hindi 'yon 'yung gagawin ko. Titignan lang talaga kita" kinalma ko 'yung sarili ko dahil sa sinabi niya. Kalma, kawawa mga inaanak mo sa kanya may uuwing pangit sa bahay nila.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now