nine

33 6 0
                                    

"OMG" sabi ko nang makita ko 'yung mga kaibigan kong 'di naman napasok sa school namin pero andito.





"Hoy! Bakit kayo andito? Mga hindi kayo nagsabi" natatawang saad ni Madi. Buti hindi lang ako may alam.





Ngayong araw na kase ang Halloween party ng school. Hindi nga ako makapaniwala na may ganito pala dito, pero masaya ako kase ayon ang pinakapaborito kong araw ng taon.





"Syempre, it's a surprise" sabi ni Sten na isang Harley Quinn. Bagay naman sa kanya 'yung itsura niya at maputi.





"Naks, Kitty" asar sakin ni Ysa at tinaas pa nga ang necklace ko kaya tumawa ako. By the way, siya si Pennywise.





Umupo na sila sa bakanteng upuan malapit sa inuupuan namin nina Bella. 15minutes na kami dito at hanggang ngayon hindi pa rin kami nagsisimula.





"Kei, 'di ba ayon 'yung kasama mo sa fast food noong isang araw?" napatingin ako sa tinuturo ni Abbie at nagulat ako sa nakita ko.





What the actual fuck?! Shawn being Ranpo?! As in Edogawa Ranpo, my bebe?! I mean, wala namang mali don, nakakagulat lang kase.





Pagpasok nila ng hall pinagtitinginan na agad sila. 'Yung iba halatang kinikilig, samantalang ako gulat pa rin sa itsura ni Shawn. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi tumingin sakanya.



Bagay kase sa kanya 'yung look. Parang binuhay talaga Ranpo kase may pagkahawig sila. Lalo na sa mata, parehas sila.





Dahil nasa auditorium kami ng school, dagdag mo pa na madaming estudyante at may mga dayo pa, mahirap humanap ng upuan. Swertehan lang 'tong pwesto namin dahil kay Jyro.





Tumingin sila sa paligid, mukhang naghahanap ng mauupuan, nang magkatinginan kami ni Shawn. Napa-iwas tuloy ako ng tingin dahil para akong nakuryente nang mangyari yon.





"'Yan tama na kase titig. Nakita ka tuloy" asar ni Bella na halatang ako ang pinariringgan. I mean, sino pa ba?





"Ha. Ha. Ha. Baka nga" sarcastic kong saad kaya napakibit balikat na lang siya. Pero nakangisi.





In the end, pumuwesto sila sa bakanteng lamesa malapit samin. Dahil don inaasar tuloy ako ng tropa ko.





Nung una nga nagtataka ako paano nakilala nila Sten 'yon eh hindi naman sila dito napasok, tapos naalala ko may gc nga pala. Sinend pala ni Bella Instagram account sa gc namin. Hindi ko alam.





"'Wag kang magalala bagay naman kayo" asar ni Bailey sakin na may kasamang sundot pa sa tagiliran. Naging uod tuloy ako. Alam naman na may kiliti ako don.




"Aww, okay lang. Madami pang lalaki sa mundo. Ay, sala. Babae pala" asar ni Val kay Earl.




"Loko" saad ni Earl at inalis ang braso ni Val sa kanya.





Maya maya lang nagsimula na ang program. May mga nagperform na banda kaya nakakakaenjoy. Hindi lang ako mapakali ng ayos kase pakiramdam ko may nakatingin sakin.





May nakatingin pala talaga, si Shawn. Dahil weak ako, oo, ako ang unang umiiwas. Ewan ko ba, basta ginagawa ko 'yon.





"Kuha akong brownies kayo ba?" paalam ko sa kanila pero umiling lang sila kaya tumayo na ako. Dumeretso ako sa likod kung saan nakapwesto ang mga pagkain.





Boy Next Door || ✓Onde histórias criam vida. Descubra agora