one

95 8 0
                                    

Tinaas ko 'yung kanang kamay ko nang tawagin ako ng prof namin. Tumango naman siya nang makita ako kaya binaba ko na.








"Strict daw 'yan" napatingin ako sa kanan ko nang bumulong sakin si Bella.








"San mo naman nalaman?" itong babaeng 'to talaga, kahit saan may alam. May chismis agad.








"Ako pa" proud na saad niya. Ngiting ngiti kase. Swerte siya nakatungo prof namin kaya hindi siya kita.








Unang araw ng klase namin ngayon pero hindi pa rin ganon nagproprocess sa utak ko na college niya ako. Hindi pa nga rin ako makapaniwala na nakapasok ako dito sa UST, eh.








Naeexcite ako pero natatakot din. Ayokong maging mukhang stress, no. Katulad ng dalawa kong Kuya na mukha ng bangkay.








Joke lang, gwapo 'yung dalwang 'yon kase maganda ang bunso. Sino 'yung bunso? Syempre ako.








Nang matapos ang attendance namin, nagsimula na siyang magturo. At katulad ng dati nakaka-antok. Pinipigilan ko lang na makatulog kase nakakahiya.








"Class dismissed" pinakamasarap ng salita galing sa prof na 'yon matapos ang dalawang oras. Lord, sana 'wag akong tamarin sa ibang subject.








"Free time ko ng dalawang oras kayo ba?" tanong ni Madi samin. Napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo nang sabihin niya 'yon.








"Magkakapareho tayo ng schedule, 'di ba? E'di wala din kami" sarkastikong sagot ni Jyro dahilan para hampasin siya nito.








"Tarang kumain. Gutom na ko" tumango silang tatlo dahil sa sinabi ko. Kanina pa kumukulo ang tyan ko kahit nag-umagahan ako.








Kami nina Bella, Madi at Earl ang mag kakasama sa lahat ng klase. 'Yung walo pa naming kaibigan ay hindi namin kaklase kase puro sila ibang school. Except kay Jade na iba lang nag course samin.








Lumabas na kaming apat para kumain. Habang naglalakad, napahinto si Bella sa katabi naming classroom kaya tumingin ako sa tinitignan niya.








"Pft!" sabay sabay na saad namin pagkakita namin sa kaibigan namin. Hanep unang araw na unang araw.





"Ang tibay ni Jade, ha? Tulog agad" natatawang saad ni Jyro. May point siya. Sana ako din, may lakas ng loob matulog sa klase.





"Tabi tabi pipicturan ko, sesend ko sa gc" sabi ni Madi. Ito nanaman tayo, tapos mamaya group photo nanaman.








Ginawa nga niya 'yung sinabi niya kaya hinihintay na lang namin siya na matapos. Tumunog 'yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.








"Putcha" nakalimutan kong patayin yung data ko. Lowbat tuloy ako!








"'Yan subway surf pa habang nag kaklase. Tskt! Tsk!" sita ni Bella sakin kaya inismidan ko siya. Alam pala niyang naglalaro ako kanina.








Nagpatuloy na rin kami sa paglalakad namin. Baka kase mag klase na kahit dalawang oras pa ang bakante namin.








"Bakit bukas ang data?" tanong ni Jyro. Nakita siguro 'yung pagpatay ko kanina.








Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now