twenty-six

30 7 5
                                    

"Gago!" halata sa mukha ng sinampal ko ang gulat. Lumapit siya sa 'kin kaya umatras ako. Tangka pa nga niya akong hawakan. Umiwas lang ako.





"Hey, don't shout. Pag-usapan natin 'to ng mahinahon para maenjoy natin mamaya" bulong niya sa 'kin kaya napangisi ako ng nakaka-asar. Wow, ha?





"Wala ka namang boyfriend, 'di ba? Single din naman ako, 'wag kang mahiya" hindi ko alam kung nangiinsulto ba siya o ano. 'Tyaka, ano naman kung parehas kaming wala?!





Mukha ba akong papayag na makipagsex sa kanya? Hindi ko nga siya kilala! Feeling naman.





Teka, not sure pala kung ayon talaga ang ibig niyang sabihin pero feeling ko, oo. Kase naman!





"Eh an-"





"I'm her boyfriend. You have a problem?" biglang nanlaki ang mata ng lalaking nasa harapan ko nang biglang may nagsalita sa likod niya. Kahit nga ako nagulat hindi ko lang pinahalata.






Ngumiti ang lalaki bago tumakbo paalis. Ang bilis nga niya. Parang hindi siya nanghawak kanina.





"Are you fine?" nagulat ako nang biglang nagsalita si Shawn. Natulala na pala ako.





"Yeah. Natatawa lang ako kase ang duwag nung lalaki" saad ko bago umiling iling. Ang tapang tapang kanina, eh.





"Anong ginawa niya sa 'yo?" seryosong tanong niya sa 'kin. Napatingin naman ako sa kanya at kita ko ang inis sa mata niya.





"Nangh-"





"Gaga, Kei! Anong ginawa sa 'yo ng lalaki?! Tanginang 'yon, ah" inis na saad ni Jade sa 'kin.





Binigay ko na ang phone niya dahil hawak ko pa. Tinignan ko rin ang mga anak niya at nakitang kasama ni Claude.





Baka kase iniwan. Iba pa naman 'to pagdating sa gantong usapan.





"Nanghipo. 'Di nga marunong magsorry, pota" inis na saad ko nang marealize ko na hindi nga siya humingin ng tawad sa 'kin. Grabe.





"Tanga pota. Sige, balik na muna ako sa pamilya ko. Kayo'y magmuni muni muna dyan" sabi ni Jade bago kami tinignan ng makahulugan. Hay nako.





Bumalik na ang tingin ko kay Shawn at nakitang nakatingin siya sa ibang direksyon. Mukha rin siyang may hinahanap tapos mukhang galit pa.





Kung hindi ko lang talaga kilala 'tong lalaking 'to, matatakot ako ng sobra sa kanya. Ngayon nga kilala ko na siya pero natatakot pa rin ako.






"Hey, bakit ka nga pala andito?" pagkuha ko ng attention niya. Nakalimutan na nga niya atang kasama niya ako.





"It is our company's anniversary" ay sosyalin. Anniversary lang, beach party na agad. Sana all. Paano kaya ospital namin? Sana ganon din.





"How about you? What are you doing here?" umupo ako sa sand pagkatanong niya non. Tumabi naman siya sa 'kin kaya umayos ako ng pwesto ko.





"It's Cyrus birthday" simpleng saad ko habang nakatingin sa malayo.





Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa. Pero para sakin ayos lang, nakakarelax naman. Nasa harapan kase namin ang beach, magsusun set pa.





Boy Next Door || ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz