ten

27 6 0
                                    

"Ate Kei!" napatingin ako sa likod ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napangiti naman ako nang makita silang papalapit sakin.






"Pasalubong?" tanong ni Sidy sakin. Nilahad pa nga niya kanang kamay niya sakin eh kaya inapiran ko 'yon.





"'Yan pasalubong ko apir" nagtawanan kaming lahat dahil sa naging reaksyon niya.





Nagpaalam na muna ako sa kanila na magbibihis muna ako at magpapahinga. Kakauwi lang kase namin dito sa bahay sa Laguna. Tapos bukas rin ata kami dadalaw sa mga Lolo't Lola ko. Ewan ko lang sila Kuya kase may alam ng schedule kase sila ang nasa bahay.






"Tara! Lalaro basketball!" nagulat ako nang biglang lumitaw mukha ni Kuya Kai sa pinto ko.





Swerte siya, hindi ko dinabog pagsara sa pinto. Kung hindi, ipit siya.






"Kuya, mukha ba akong naglalaro ng basketball? Mukha mo basketball" inis kong sabi sakanya.






'Tyaka, walang court dito, paano magbabasketball? Siya kaya gawin kong ring.






"Tanga ka talaga kahit kelan. May dala akong PS4, ha" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.





Like what the fuck? Sabi ni mommy 'wag niya daw dalhin 'yon, ah.






"Tangina, paano mo nadala?!" wala naman kase akong nakitang box or what eh.






"Alam mo matalino ako. Nasa maleta ko syempre tas konti lang dala kong damit bibili na lang ako" mayabang na sabi niya. Hinahawak hawakan pa nga 'yung baba, nagpapapogi genon.





"Oo nga matalino ka, sa kalokohan nga lang" sabi ko at humiga sa kama.





Binuksan naman niya ng malaki pinto ko para makapasok siya ng ayos. Naki-upo pa nga sa kama ko.





Ah, namiss ko 'to. 'Yung kama at kwarto, ha? Alisin niyo si Kuya Kai kase hindi siya kasama don.





"Laro na kase tayo, pustahan ulit" sabi niya at inalog alog pa ko. Nahihilo ako, pota.





"Tanga, wala na kong pera" pagtatanggi ko.





Naka-ilang pilit siya bago siya tumigil. Tumigil lang naman kase siya para buhatin ako para dalhin sa sala dito sa taas.





"Kuya! Ah, bwiset ka!" sabi ko at hinampas hampas ko pa likod niya. Buhatin ba naman ako na parang sako ng bigas.





"Pabebe ka pa" nilapag niya ako sa couch namin na parang unan.





Hindi 'yung normal na lapag, ha? 'Yung naiinis ka kaya sa unan mo nilagay lahat ng inis mo, ganon paglapag niya sakin. Napakawalang hiya talaga.





Kung mas malakas lang talaga ako sakanya, nahambalos ko na siya sa kwarto ko pa lanh. 'Yung katulad ng sa wrestling? Ganon. Kaso tuwing dadaganan ko siya biglang ako 'yung nagiging sandwich.





Nagsimula na kaming maglaro, dahil hindi ako ganon kagaling sa laro 3-0, which is ako 'yung talo. Tinatake advantage niya kase pagiging basketball player niya, kainis.





"Paano ba 'yan, ililibre mo ko" mayabang na sabi niya kasama ng nakakasura niyang ngiti.





Padabog kong binitawan sa gilid ko 'yung controller dahil sa inis. Kanina ko pa sinasabi sa kanya na wala akong pera kaya baka naman pwede niya akong ipanalo, kaso hindi eh.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon