twenty-seven

30 8 1
                                    

"Ikaw naman, Kei, 'di ka nagsasabi na magdadala ka pala ng boyfriend mo! So, kelan ang kasal?" kumunot lang ang noo ko dahil sa sinabi ni Tita Althea.





Naintindihan ko agad ang ibig niyang sabihin kaya alanganin akong ngumiti bago tignan si Shawn. Gagi, baka kung anong isipin ng kasama ko!





"Tita, ano kase hi-"





"We're still not planning our wedding pa po. There are things that we want to do before we get married po" polite na sagot ni Shawn.





Nagulat at naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ko lang pinahalata kase nasa unahan kami ng pamilya ko. Baka mapahiya kaming dalawa.





"Nako, iho, bigyan niyo na kami ng apo. Itong si Kei ay napag-iiwanan na. Isa pa naman siya sa pinakamatanda" napa-ubo na lang ako sa sinabi ni Tita Nessa, siya 'yung nanay ni Sidy. Si Tita Althea kase nanay ni Rae.





Hinawakan ko na lang sa kamay si Shawn kase balak ko ng magpa-alam sa kanila. Baka ma-awkwardan sa topic si Shawn. Nakakahiya pati sa kanya.





"Dadating din po 'yan. Nga pala, pasok na po kami sa loob" pagpapa-alam ko bago ko hinigit si Shawn. Hindi ko na nga inantay yung sagot nila.





Baka hindi na kami maka-alis pa. Ganito pa naman sa pamilyang 'to. Pero hindi ako nagrereklamo, ha?





"Bakit mo sinabi 'yon? Eh, 'di naman talaga ano..." hindi ko matapos ang gusto kong sabihin kase hindi ko alam kung ano isusunod ko. Hindi ako sigurado kung tama kase yung word.





"E'di, let's pretend na lang muna. Tapos if hindi talaga magwork kung ano man meron sa 'tin sabihin mo nagloko ako" napatitig lang ako sa mukha niya nang sabihin niya 'yon. At mukhang seryoso nga siya.





Umiling na lang ako kase hindi ako nag-a-agree sa sinasabi niya. Ayokong maging masama image niya lalo na't wala talaga siyang ginawang masama. Ako lang din masasaktan, promise.





"Ang sama kung ayon ire-reason ko. 'Tyaka, bakit kailangan pangpretend? Bakit 'di na lang totoo?" nakasimangot kong tanong.





Inaantay ko 'yung sagot niya pero para siyang naistatwa sa pwesto niya. Nirecall ko tuloy 'yung pwedeng maging dahilan kung bakit siya nagkaganto, which is 'yung sinabi ko kanina.





Napatakip na lang ako ng bibig ko nang marealize ang sinabi ko. Nasabi ko lang naman kase 'yung iniisip ko. Hindi ako makapaniwalang nasabi ko siya out loud.





"Then, it's a yes for me" masayang sabi niya pero napakunot lang ulit ako ng noo.





Konti na lang magkakalines na noo ko. Lagi ko na lang ginagawa 'yon. Parang walang araw na hindi ko 'yon ginagawa.





"Anong yes? Yes saan? Sa ligaw? Nanliligaw ka?" inosente kong tanong. Hindi ko kase maintindihan.





"Kaya I want to spend more time with you, like going out to eat. I'm courting you, Kei! I thought naiintindihan mo" napahampas na lang siya sa noo niya pagkasabi niya non.





Shocks! Hindi ko alam. Wala akong alam. Gagi, tama ba 'yung sinasabi nila tungkol sa 'kin na manhid daw ako? O sadyang bobo lang?





"Okay, sige. Can I court you, again? I'm willing to wait" seryosong saad niya.





Alanganin na lang akong ngumiti bago tumungo. Hinawakan ko din 'yung magkabila niyang balikat bago umiling.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now