fourteen

25 7 0
                                    

"Ewan ko ba pero gusto ko ulit umuwi dahil don! Kaso 'di ko natan- ayos ka lang, Kei?" tanong ni Madi sakin.




Humakbang siya papalapit sakin kaso sinuportahan ko ang katawan niya. Matutumba ba naman sa kalasingan.





Hindi ko tuloy alam kung sasabihin ko na ba need ko ng umalis or what. Kase naman lasing na kausap ko.





Kung bakit ba kase nagbeer pa kaming dalawa. Nalasing tuloy 'tong isa ng sobra.





Speaking of isa, nasaan na 'yung iba? Ilang oras ko nang hindi nakikita 'yung tatlong 'yon.





"Mads, upo muna tayo" sabi ko sakanya at inalalayan ko siya papunta sa table namin kanina.





Pagkaupo niya, agad siyang nawalan ng malay. Tinitignan ko siya habang naghahabol ng hininga. Ang bigat niya masyado para sakin.





Anong gagawin ko sakanya? Pano kami uuwi? Paano na nanay ko?!





Dahil hindi na ako mapakali, bumalik ako sa railings at hinanap ang tatlo.





Agad kong nakita si Sten na nakikipagtawanan sa kasama niya. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para tumingin siya sakin. I mean, tinitigan ko lang siya ng matagal. Effective naman, tumingin siya sakin eh.





Sinenyasan ko siya na aalis na ako kaya tumango siya. Sinenyasan ko din Madi na knockdown na. Nagulat muna siya dahil sa nakitang sitwasyon ng kaibigan pero nagthumbs up na rin.





Sila Jade at Bella na lang!





Nakita ko si Bella sa may gilid ng dance floor pero wala akong balak lapitan siya kase may lalaki siyang kasama. At sobrang lapit nila sa isa't isa! Para silang maghahalikan, kung hindi lang nalayo ng nalayo si Bella.





Si Jade naman nakita ko sa kabilang side ng dance floor. Pero wala din akong balak na lapitan siya kase madaming tao. Baka bago pa ako makarating sa pwesto niya, wala na siya don.






Dahil nakita ko na sila, pumunta ako sa cr pero hindi para magsuka. Para alisin lang 'yung heavy makeup ko. Wala na kase akong time once na magbyahe na ko.





Ginawa ko rin lahat para maalis 'yung amoy ng alcohol sakin pero nangingibabaw pa rin. Bakit kase ang light lang ng amoy ng pabango ko?!





"Bahala na nga" bulong ko sa sarili ko bago tumingin sa salamin. Tinignan ko muna ang sarili ko at tuluyan ng lumabas.





Habang palabas ako ng club naghahanap na ako ng available na taxi. Dahil seryoso ako sa paghahanap, hindi ko na nabibigyang attention ang paligid ko. Kaya sobra sobra 'yung gulat ko dahil may humawak sa balikat ko.





Matutumba pa nga ako, buti nacontrol ko.





"Shocks! Ikaw lang pala Shawn!" saad ko habang nakahawak sa may bandang puso ko. Dinadama kung gaano kabilis ang tibok non.





"Sorry, my bad. Do you need a ride?" mahinhin na sabi niya sakin. Sobrang kabaliktaran sa tono ko kanina.





"Yes! Nagmamadali nga ako sa totoo lang" kase naman mukhang mag-30 minutes na 'yung text ng nanay ko sakin.





Malamang sa malamang kung anong iisipin non na ginagawa ko. Unang beses pa naman na dadalaw 'yon don! Sa dinarami rami ng pwede mong makalimutan, Keilah, bakit 'yon pa?!





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now