thirty-five

21 6 7
                                    

"Shuta, tagal na ng ospital natin," sabi ni Cyrus pagka-upo niya sa harapan ko. Uminom muna siya ng coke, bago sumubo ng spaghetti.





"Kaya madaming mumu manghuhunting sa 'yo," panakot ko sabay tawa. Tinaas ko pa nga dalawang kamay ko para takutin siya na parang bata.





Tinignan naman niya ako ng masama kaya mas natawa ako. Tumigil lang ako nang marealize ko na pinagtitinginan ako ng ibang doctor. Ngumiti na lang ako sa kanila bago uminom.





"Nga pala, balita ko may mga taga news na pupunta dito," nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Baka ayon ang sinasabi ng pinsan ko na 'see you'!





Newscaster kase si Ishi. Pero ang alam ko siya 'yung nasa studio, bakit sabi niya see you?





"Ikaw talaga, kung saan saan nakaka-abot basta chismis," umiling-iling pa ako habang sinasabi 'yon. Hindi na nga ako nakakanood ng balita. Pero dahil sa kanya, may alam ako sa mga nangyayare.





Halos lahat na nga ata ng balita at chismis alam niya. Kulang na nga lang 'yung mga kwento ng ordinaryong tao sa ibang bansa. Kung pati 'yon alam niya, ibang klase 'tong lalaking 'to.





Dahil don, sinabi niya sa 'kin lahat ng chismis na alam niya. Hindi lang ako sure kung lahat 'yon, pero feeling ko hindi. Syempre, may mga secret chismis din siya, 'no.





Tumigil lang siya nang matapos na ang break time namin. Bumalik na ako sa office ko pagkagaling sa private hall para makapagtoothbrush. Haharap ulit ako sa mga pasyente. Dapat malinis at presentable akong tignan.





"Pasok," sabi ko dahil may narinig akong katok sa labas ng pinto ko. Nagsusuklay pa nga ako kaya tinigil ko muna para harapin kung sino man 'yon.





"Doc. Kei, hanap po kayo ng President. Punta daw po kayo sa may front desk," dahil sa sinabi ng nurse tumango ako at pinasabi kong susunod ako.





Nag-ayos muna ako ng sarili dahil makakaharap ko ang Presidente ng ospital namin. Nagpulbo muna ako at nagpuyod ng buhok. Nang matapos, pumunta na ako sa sinasabing lugar.





Habang naglalakad, may naaaninag akong familiar na tao. Huminto ako nang makilala ko kung sino siya. Ngiting ngiti naman siya nang tumingin sa 'kin.





"Thank you for coming, Doc. Kei," masayang sabi ng President sa 'kin pagkalapit ko sa kanya. Binigyan naman ako ng pamang-asar na tingin ni Ishi.





Akala ko kung anong meron dahil pinatawag niya ako. 'Yon pala, may short interview siya dahil anniversary ng ospital namin ngayon. Ipinakilala niya din ako at 'yung isang doctor sa interview niya.





Para sa 'kin, kahit 'wag na. Kung alam ko lang kung bakit, 'di na sana ako pumunta dito. Joke lang po, promise.





"Kung siya 'yung top doctor. Si Doc. Kei Perez naman ang top rookie doctor sa ospital namin. Magka-iba sila ng hinahandle, pero parehas silang magagaling," napangiti ako dahil sa sinabi ng President namin tungkol sa 'kin.





Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Mabuti na lang pala at pumunta ako dito. Maraming salamat po sa pagtawag sa 'kin.





Pagkatapos ng ilang minutong pagtatanong ng pinsan ko sa President namin, natapos na rin sa wakas. Lumapit si Ishi sa 'kin at pinulupot ang braso sa braso ko.





"Oh, you know each other?" gulat na tanong ng President kaya tumango kaming dalawa. Nagpa-alam na ako sa kanya na magrorounds na ako kaya akala ko lulubayan na ako ng pinsan ko, akala ko lang pala.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now