thirty-one

29 7 0
                                    

Bigla akong nawala sa mood dahil sa nabasa ko. Tinago ko na lang ang phone ko at hindi na siya nireplyan. Bahala siya dyan.





"Ayos ka lang?" tanong ni Cyrus sa 'kin kaya tumango na lang ako. Umiwas na rin ako ng tingin dahil ayokong pag-usapan 'yon.





Bumalik na ako sa duty ko dahil tapos na ang break ko. Aalis na rin naman daw sila Jyro kaya ayos lang. Kanina pa rin tunog ng tunog ang phone ko kaya pinatay ko na lang.





Mabuti na lang hindi ako ganon napagod ngayong araw. Plano ko kaseng umorder na lang ng dinner kapag umuwi akong pagod.






"Ate, asaan si Kuya Shawn? Bakit hindi natin inaantay?" napababa ako ng kutsara't tinidor ko bago napapikit. Ewan ko ba, narinig ko lang pangalan niya parang gusto kong manampal.





"Siya tanungin mo kung bakit wala siya dito," walang gana kong saad. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa kaya nakakain na rin ako ng derederetso.





Nakasecond round pa nga ako dahil sa gutom. To be honest, mas tumakaw ako these days. Ganito talaga kapag stress.





Si Rae na ang nagpresentang maghugas ng pinggan kaya pumunta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga. Pero pumunta muna ako sa cr para may icheck.





Hindi pa pala ako dinadatnan ulit. Kumpleto pa rin kase 'yung napkin ko sa lalagyan. Bahala na nga, baka late lang ulit.





Nagscroscroll lang ako sa social media ko pagkabalik sa kwarto ko. Maya maya lang, biglang tumawag sa 'kin si Shawn.





Wala nga akong balak sagutin kaso alam kong hindi nanaman 'to titigil. Lalo na't gabi na, alam non na nasa phone lang ako.





[Finally, you pick up my call]






Nakita kong ngumiti siya pagkasabi niya non. Pinatanong ko na lang ang phone ko sa may desk at umupo sa upuan. Hindi rin ako nagsasalita kase wala naman akong gustong sabihin. Wala rin akong masasabi.





[Love, are you mad?]





Nakita ko sa screen na kumuha siya ng tubig bago umupo sa kama niya. Huminga ako ng malalim bago binuka ang bibig ko.





"Ako? Magagalit? Nag-iisip ka ba? Bakit naman ako magagalit, huh? 'Tyaka, bakit ka ba tumawag? Gabi na, 'di ba? Oras na 'to para magpahinga ang mga tao, bakit ka pa tumawag? 'Tyaka, pwede ba? Kapag tatawag ka, magchat ka man lang na tatawag ka. Hindi mo naman kase alam kung gusto kang kausap ng tao," oo, wala akong masabi.





[Hey, andito lang kami ni Thine for work. Nothing more, nothing less]





"Okay," sabi ko dahil wala siyang sinagot kahit isa sa mga tanong ko. Ang dami dami non, tapos babalewalain niya lang. Sayang laway ko, 'no.





Kukunin ko na ang phone para i-end na ang call kaso may narinig kong katok sa kabilang linya kaya hindi ko tinuloy. Napatingin si Shawn sa gilid niya bago tumayo.





[Tara kakain na ng dinner, Shawn!]





Napa-irap ako sa hangin nang marinig ko ang boses ni Thine pagkabukas ng pinto. Naririnig ko lang boses niya na-iirita na ako. Paano pa kaya kung makita ko siya sa personal?





Hindi ko na pinakinggan pa ang usapan nila, bagkus binaba ko na ang call namin. Bahala siya dyan. Hindi ko sasagutin ang kahit anong tawag niya. Magsama sila!





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now