thirty

25 6 2
                                    

R-18





"I'm sorry, I'm late, love," sabi ko kay Shawn dahil nakita ko siyang nag-aantay sa tapat ng unit ko. Sinalubong naman niya ako ng halik sa noo.





Bakit hindi siya napasok?





"No, ayos lang. I already told my parents na nasa operation ka pa," nagulat ako habang pinipindot 'yung passcode. Paano niya nalaman 'yon?





Na-overtime kase ako dahil may operation ako. Hindi ko naman kase pwedeng iwan na lang 'yung pasyente ko sa gitna ng operation. Nakaka-awa naman.





Pumasok na kaming dalawa pero inantay niya lang ako sa may sofa para makapagbihis. Kaya nga sinabi kong sa kwarto ko na siya mag-antay, nagpumilit siyang don na lang.





Si Rae kase, tutulog daw sa kaibigan kahit feeling ko si Thirdy talaga tinutukoy niya. Hindi naman niya kailangan ilihim sa 'kin 'yon, ganon din naman ako dati. Basta uuwi siyang isa, ayos na 'yon.





Responsibilidad ko din kase siya at kami ang magkasama.





Nagsuot na lang ako ng red satin dress na hindi ganon kahabaan. Pinarteran ko rin 'yon ng black block heel at black pouch. Wala kase akong damit na sobrang formal, like formal na formal. Hindi na ulit ako nakakabili ng mga damit. Madami pa naman kase.





"Wow. You look so beautiful," pangbobola sa 'kin ni Shawn kaya ito ako, kinikilig. Hindi ko lang sobrang pinahalata. Nakakahiya, mare.





"Heh! Masyado kang pakilig, lintek ka. Tara na," sabi ko at hinawakan ang kamay niya para maglakad na kaming dalawa. Kita ko tuloy na napangiti siya bigla.





Ako talaga happy pill nitong si Shawn.





Dahil sasakyan niya ang gamit namin, siya ang nagdrive. Kumonnect ako sa bluetooth para makapagpatugtog. Since wala na akong playlist, halong kpop at hindi ang mga pinapatugtog ko.





Pangpatanggal kaba. Ngayon ko lang naman kase mamemeet magulang niya na may label na kami. Nameet ko kase sila dati, engage sila ni Ate Kendra.





Nang makarating na kami sa restaurant, bumaba na agad siya para pagbuksan ako ng pinto. Ako naman, tinignan lang siya. Hinalikan niya ako sa noo at bumulong na 'wag kang kabahan kaya bumaba na 'ko.





Rupok, ah.





"Ayos lang ba suot ko?" pagtatanong ko ulit sak anya habang naglalakad kami. Kanina ko pa kase siya tinanong habang nasa byahe. Baka kase mukha pala akong tanga, nakakahiya.





"Love, I told you look good. Huwag kang kabahan, gusto ka naman nila," pagpapakalma niya sa 'kin. Pinisil pisil niya rin ang kamay ko na hawak niya. Pero mas kinabahan ako sa sinabi niya.





"Hi, anak!" salubong na sabi ng nanay ni Shawn. Akala ko nga siya 'yung sinasabihan, pero sa 'kin siya lumapit para yapusin ako. Niyapos ko naman siya pabalik na may ngiti sa labi.





"You're so pretty," compliment sa 'kin ng nanay niya pagkabitaw namin na hug. Nilagay niya rin sa magkabila kong pisnge ang kamay niya. Mas lumapad tuloy ngiti ko.





"Let's eat," sabi ng tatay niya kaya umupo na kami. May order na pala kami kaya pinaserve na agad nila.





Habang nakain, nagkwekwentuhan lang tungkol sa nangyayare sa buhay namin. Pero more on kami ni Shawn ang nagkwekwento. Hanggang sa napunta sa relationship namin at sa plano namin magpamilya.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now