thirty-six

26 7 2
                                    

"Love, here's your strawberry ice cream," nagising ako nang maramdaman kong may umaalog nanaman sa 'kin. Hindi ko na nga pinapansin kase gusto ko pa matulog kaso hindi ako tinatantanan.





Umupo ako sa kama habang nahikab. Tinignan ko muna si Shawn bago tignan ang hawak niya. Biglang nagising ang diwa ko dahil don.





"Thank you!" kinuha ko sa kamay niya ang hawak niyang ice cream at kutsara. Medjo tinaas ko rin ang katawan ko para halikan siya sa labi. Dahil hindi ko siya abot, bumaba pa siya sa 'kin.





"Can I sleep beside you na?" tanong niya sa 'kin. Tinignan ko muna siya ng matagal bago masayang tumango.





Pinanood ko siyang tanggalin ang jacket na suot niya bago humiga sa tabi ko. Kinakain ko na rin 'yung ice cream ko.





Umayos siya ng higa bago niya nilagay ang kamay niya sa may hita ko. Naka-upo kase ako kaya ayon na lang ang mayayapos niya. Tumingin ako sa gilid ko para makita kung anong oras na.





Ah, kaya pala antok na antok kase 5:30 na ng umaga. Ang bilis ngang makatulog dito sa tabi ko. Pero kung sa bagay, ako rin ang may gawa kung bakit siya umalis.





Habang nakain ako nagsosocial media lang ako hanggang sa mapagod na ako kakascroll kaya nanood na lang ako. Nag-airpods na lang ako para hindi ko ma-abala si Shawn. Nakaka-awa naman kung magigising pa siya dahil sa pinapanood ko.





"Good morning," napatingin ako sa gilid ko nang sabihin 'yon ni Shawn. Pinause ko muna 'yung pinapanood ko bago tanggalin 'yung nakapasok sa kabilang tenga ko.





"Ang aga mo," saad ko. Inayos ko 'yung ubos na lalagyan ng ice cream na kanina pang nasa lap ko. Baka kase magkalat pa dito sa kama, hirap pang linisin.





Umayos siya ng upo sa kama habang kinukusot ang mata, nahikab pa nga. Kinuha niya ang phone niya bago umiling. Tinapat din niya sa mukha ko kaya nanlaki ang mata ko nang makitang 8am na pala.





Ang tagal ko na palang nanonood. Hindi ko pa namamalayan. Pati episodes, hindi ko na namamalayan na nakakarami na ako.





"Ligo lang ako," sabi ko bago nilagay ang lalagyan na hawak ko sa may side table namin. Mamaya ko na ibababa.





Nagmamadali akong maligo at magbihis bago nagprepare ng kakainin namin. Nilinis kase muna ni Shawn ng sasakyan niya dahil ang dumi daw. Pero naligo na rin siya nang makitang tapos na ako.





"Hello?" sabi ko pagkasagot sa tawag ni Rae. Siningit ko rin ang phone ko sa tenga at balikat ko kase naghahanda ako ng kape ni Shawn. Akin kase gatas.





[Ate Kei, nanganak na daw si Ate Sidy!]





Napatigil ako sa paghahalo ng kape dahil sa sinabi ni Rae. Hinawakan ko na nga 'yon gamit ang kaliwa kong kamay. Samantalang ang kanang kamay ko ay nasa may bibig ko.





"Eh?! Seryoso?! Saan nanganak? Sa Laguna?" sabi kase sa 'kin ni Sidy before, gusto daw niya sa Manila din manganak para pareho sila ng birth place ng panganay niya. Kaso, ang alam ko nasa Laguna siya. Kaya hindi ko sure kung saan siya inabutan.





[Sa Laguna. Sa Medical]





"Ah, sige puntahan ko na lang mamaya. Thank you," sabi ko sa kanya bago ko binaba ang tawag namin. Mabuti na lang at wala akong pasok ngayong araw, mapupuntahan ko siya.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon