twenty-three

29 6 5
                                    

"I think we should eat lunch already" napatango ako sa sinabi niya. 11am na rin naman. Dapat lang na lunch na talaga.





Andito kami sa mall kase sabi niya dito na lang daw kami kumain. Hindi lang kami makapagdecide kung saan kami kakain, kaya nagbato bato pick na lang kami.





Siya sa isang resto, ako sa fast food. Noong nagsimula na kaming maglaro don ko lang naalala na bobo nga pala ako dito kaya natalo pa ako.





"Bakit kase resto? Ang mahal kaya don" pagmamaktol ko habang sinusundan siya. Totoo naman kase!





"Don't worry. My treat" napanganga na lang ako sa sinabi niya kaya napasabay ako sa paglalakad niya sabay iling. 'Di pwede 'yon.





"'Wag na ako na!" nakakahiya, susko. Alam kong makapal mukha ko pero 'di dapat ganon. May pera naman ako. Medjo nanghihinayang lang.





Malayo layo 'yung resto na sinasabi niya kase nasa building 3 pa pala 'yon. Kaya ako ito, nasunod lang na parang bata.





Tumingin tingin rin ako sa paligid kase ngayon na lang ulit ako nakapasok dito sa mall. Napatigil lang ako sa paglalakad nang may makitang familiar na babae sa isang coffee shop.





"Why?" tanong sa 'kin ni Shawn at nakitingin na rin. Sinenyasan ko siya na wait lang bago naglakad papasok sa coffee shop.





Habang papalapit ako ng papalapit mas nakikita ko ang mukha niya. Tama nga ako, siya 'to.





"Oh, Rae. 'Kala ko ba may pasok ka? Pasok pala sa mall" sarcastic kong sabi.





Kita sa mukha niya 'yung gulat nang makita ako. Ningitian ko ng pilit 'yung lalaki at tinignan siya mula ulo hanggang paa kahit naka-upo siya. Hindi ko lang pinahalata.





"Ate! B-bakit ka andito?" natataranta niyang saad. Kita ko pa nga na pasimple niyang tinakluban 'yung mukha ng kasama niya na akala mo hindi ko nakita kanina.





"Kase wala ako don. Pero wait, ito ba ang school niyo?" I try na maging sound na masungit kase trip ko. Kitang kita ko tuloy 'yung kaba sa mukha niya kaya pinipigilan ko ang tawa ko.





"Ano kase.. Teka ikaw rin naman. Bakit ka andito?" pagbabago niya ng topic. Masyado tuloy nahahalata na tago ang meron sa kanila.





"Kakain akong lunch. Bakit?" sabi ko at pabirong tinataas ang kanang kilay ko. Pang-asar lang ganon.





"Ah, with him pala. 'Di naman sinasabi" nagpipigil siya ng ngiti habang nakatingin sa likod ko kaya napatingin na rin ako.





Nanlaki ang mata ko ng makitang nakatingin sakin si Shawn habang naglalakad siya papalapit sakin. Sinundan niya pala ako!





"Ewan ko sa 'yo. Enjoy your date na lang" sabi ko at nilabas ang wallet ko para magbigay ng pangdate nilang dalawa. Tinanggap naman niya 'yon pero 'yung mata niya halatang may sinasabi.





"Tanga ka. 'Di ko sasabihin. Don't worry" sabi ko sakanya. Napangiti naman siya kaya hinug niya ako.





"Bisita ka sa condo. Kapag andon ako" binigyang diin ko talaga 'yung mga huling salita ko. Aba naman, dapat andon ako. Wala rin naman akong magigi paki.





Bumitaw na siya sa pagkakayakap niya kaya naglakad na ako paalis. Mahina ko ring tinulak si Shawn para maglakad na siya palabas. Kararating nga lang ata niya sa pwesto ko.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now