prologue

128 10 0
                                    

"Hoy sure ka dito?" sabi ni Kuya Kio habang pinag mamasdan yung bagong ayos na condo.








"Oo nga Kuya paulit ulit naman eh" sabi ko sabay pakita sa kanya ang naiinis kong mukha.








"Inaalala ka lang namin at ikaw ay mag-is-"








"I'm not alone okay? Andito din friends ko" pag puputol ko sa sinasabi ni Kuya Kai.








"Andito din ba sa floor na to?" napa tingin ako sa sahig dahil sa naging tanong ng panganay kong Kuya sakin.








"'Yon lang" bulong ko.








Natahimik sila saglit kaya tinunghay ko na yung ulo ko para makita ang mukha nila. Hindi ko mabasa ang ekspresyon nilang dalwa hanggang sa napa buntong hininga sila.








"Basta tawagan mo na lang kaming dalwa pag kailangan mo ng tulong, ha?" tumango ako sa sinabi ni Kuya Kai. Lumapit silang dalwa sakin para halikan ako sa noo.








"Sige mag-ayos ka na ng gamit mo at mag pahinga" um-oo na lang ako bilang sagot.








Lumapit na silang dalwa sa pinto, senyales na aalis na sila. Kinawayan ko sila hanggang sa hindi ko na sila makita.








Dali dali akong pumasok sa kwarto ko para iligpit 'yung gamit ko. Madami akong dinalang gamit kaya malaki 'yung binili kong cabinet. Pero hindi naman 'yon nakakasakop ng malaking space.








Sa condo na 'to, may dalawang unit kada floor. Ako lang yung walang kasamang kaibigan sa floor kase nagpa-ubaya na ko.








Sa isang unit, may dalawang kwarto at isang cr. Pero malaki naman kaya ayos lang. Sakto para sa iisa o dalwang tao.








Inabot ako ng mahabang oras bago ko naayos lahat ng gamit ko. Kaso mukhang magulo pa din. Hindi ako mapakali.








"Bahala na nga" bulong ko sa sarili ko bago ako lumabas ng kwarto ko para pumasok sa kabila.

Gagawin ko tong study room at work out room. May yoga mat 'tyaka 'yung malaking bola akong pang work out.








Alam ko naman na hindi ako araw araw magwowork-out at ako'y tamad. Baka nga literal na hindi ako magwork-out, eh.








Habang inaayos ko 'yung mga libro ko sa shelf, biglang tumunog 'yung phone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ko. Agad ko naman sinagot ng makita ko ang pangalan ng kaibigan ko.








"Arat kakain ng dinner" sabi niya sa kabilang linya.








"Dinner?" tanong ko. Dinner na agad?








"Oo gaga six thirty na, ha" bumilog 'yung mata ko dahil sa sinabi niya. Tagal ko na palang nag liligpit!








"Sige sige sino magmamaneho?" tanong ko. Wala pa kase akong kotse dahil wala pa akong license.








"Si Jyro at Earl. Sa baba na lang ang antayan. Bye!" binaba ko na ang tawag namin ng magpaalam na siya. Ay, nakalimutan kong magbye.








"Bye!" sigaw ko sa cellphone ko kahit alam kong hindi na niya ako maririrnig dahil binabaan ko na siya.








Binaba ko sa sahig 'yung librong hawak ko sabay punta ulit sa kabilang kwarto para mag bihis.








Nag suot lang ako ng leggings at malaking hoodie. Nag suot na lang din ako ng rubber shoes, kakain lang naman kami ng dinner kaya no need na para pumorma pa. Kinuha ko na 'yung bag ko sa kama ko para maka-alis na.








Hinanap ko muna 'yung susi ng condo ko bago lumabas ng mismong unit. Hindi pa kase nakapasscode 'yung akin.








Lumakad ako paalis pero tumigil ako sa harapan ng pinto ng makakasama ko dito sa floor na to. Matagal lang akong nakatingin don bago ngumiti.








Sana naman mabait siya at kavibe ko.








═════════════════════════════

Boy Next Door || ✓जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें