thirty-eight

26 6 1
                                    

"Shawn, nakita mo 'yon. Sumipa si baby!" hindi ko makapaniwalang saad.





Kanina kase nagpa-ultrasound ulit kami dahil panibagong buwan nanaman. Nang matapos, bigla siyang sumipa. Ilang beses ko ng sinasabi 'to kay Shawn, pero sobrang saya ko lang talaga kaya paulit ulit ako.





Nagsasayang lang kami ng oras ni Shawn kase mamaya na 'yung gender reveal na hinanda nina Bella. Ayaw ko sa bahay kase medjo boring kaya nagroroadtrip na lang muna kami ni Shawn.





5pm ang simula ng gender reveal at may isa't kalahating oras pa kami. Kung saan saan kami pumunta para lang mag-aksaya ng oras. Kaso sadyang mabagal.





Nagpunta kami sa Tagaytay at sa Sta. Rosa. Pupunta nga din sana kami sa bahay namin sa Laguna, kaso kukulangin na kami sa oras kaya bumalik na kami sa Manila. Dumeretso na rin kami sa lugar na tinutukoy nila kase malapit na.





To Jade
Andito na kami sa labas





Pagkasend ko ng text na 'yon, hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Pumunta muna ako sa isang gilid habang hinihintay silang lumabas. Nagulat naman ako nang maramdaman ko ang yapos ni Shawn sa 'kin sa likod.





"May naiisip ka na bang pangalan?" tanong ko sa kanya. Biruin mo 'yon, dalawang buwan na lang kase makikita na namin si baby.





"Sa babae pa lang," dahil don napaharap ako sa kanya. Titignan ko nga sana siya kaso niyapos nanaman niya ako.





"Bakit babae lang?" ako kase meron na pangboth genders. Madami ring reserve names kung hindi niya magugustuhan.





"I want a baby girl. Pero tanggap ko pa rin naman kahit ano," sabi niya sabay tawa. Napatango na lang ako.





Nanatili lang kaming ganon hanggang sa lumabas na si Jyro at Ysa. Nakatingin lang ako sa kanila kase hindi ko alam kung itatanong ko ba. Alam na kaya nila?





"Grabe namang tingin 'yan, hindi pa namin alam. Pinapasundo lang kayo sa 'min," natatawang saad ni Ysa. Inayos ko tuloy 'yung tingin ko. Wala akong intensyon sa tingin ko, promise! Bakit lagi na lang napagkakamalan na meron?





Nagulat ako nang maglagay sila ng pangblindfold sa mata namin. Hindi naman ako nagreklamo bagkus ngumiti pa ako. Hinanap ko ang kamay ni Shawn sa tabi ko para hawakan.





"Sumunod ka lang buntis, ha?" narinig kong sabi ni Jyro. Napatango tuloy ako na parang bata. Naeexcite na ako, gosh.





Inalalayan lang nila kami pumasok. Nang sinabi nga nilang may isang step na pataas, naramdaman kong biglang dumami ang tao sa paligid ko.





Pina-upo nila kami bago pinatanggal ang nasa mata namin. Nagulat ako nang makitang ang daming tao dito. Pero lahat naman kilala ko.





Kumpleto lahat ng taong inaasahan ko dito. Kahit si Cyrus na alam kong may pasok pa ngayon, andito rin. Hindi niya kase ako pinapansin kanina. Huling araw ko na nga sa trabaho dahil sa maternity leave, hindi pa niya ako pinapansin.





Nagsimula na ang program at si Bella ang host namin, as usual. May konting palaro pa hanggang sa dumating na ang pinakahinihintay ko.





"Shit. I'm excited," bulong ko. Tumawa naman si Shawn kase siya lang ang nakarinig. Nilagay niya ang kamay niya sa likod ko bilang suporta sa 'kin.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon