eighteen

26 7 0
                                    

Apat na linggo na ang nakalilipas pagkatapos ng naging usapan namin ni Ate Denize. Dahil don, naging mabigat ang atmosphere tuwing training namin. Ramdam 'yon ng ibang members at ni coach, hindi lang talaga nila siguro pinapansin kase mas focus sila sa laban.





Apat na linggo ko na ring 'di nakikita si Shawn, busy din siguro siya sa training. At apat na linggo na rin rin pala akong hindi nakakagala.





Kase after class, deretso training na ako ng mahabang oras. Minsan nga hindi na nakaka-attend ng klase. Pag-uwi naman ang daming gawain. 'Di na nga rin ako nakakagamit ng phone ng ayos.





"Girl, kinakabahan ako" napatingin ako kay Jade na nagpupuyod sa harapan ng salamin. Ngayon na kase ang laban namin, unang laban. Sana makaabot kami sa championship.





"Buti ka nga may experience sa ganito, ako wala" totoo naman kase.





Noong highschool kami, nasa team na siya, ako hindi kase ayoko. This year lang talaga. Pero 'di ako kinakabahan, ewan ko kung bakit.





"Kahit na, university na 'to. Malamang sa malamang ang taas ng expectation nila satin. Lalo na't second year at first year lang ang nasa team" sa true naman.





"Nga pala, mamaya nood tayong laban ng basketball, ha? Kahit late man tayo may ticket naman" napatingin ako sa kanya kase hindi ko alam ibig niyang sabihin. Wala ako maalala na bumili ako ng ticket para sa basketball game mamaya.





"Meron ako para sa 'ting dalawa. Meron na sila Bella, eh" napatango na lang ako sa ibig niyang sabihin.





"Sino ba maglalaban mamaya?" kase naman wala akong alam sa mga maglalaban sa basketball. Unless NBA, pwede pa. Volleyball lang talaga gusto ko panoodin.





"Ewan, basta team nina Miggy" saad niya at inayos nanaman 'yung puyod niya. Hindi na siya natapos.





Habang chinichika niya sakin yung pag-aaya sakanya ni Miggy sa laban nila, bigla na lang bumukas 'yung pinto ng cr kaya tumigil siya sa pagdaldal.





"Magready na daw tayo don sabi ni coach" dahil sa sinabi ni Mika, first year din, naglakad na kami palabas.





Nakita namin silang nagstrestretching na kaya sumali na kami sa kanila. Pero si coach bigay lang ng bigay ng mga paalala.





"Ayan na, nagtatawag na" sabi niya nang marinig na isa isa nang tinatawag ang makakalaban namin. Umayos na kami at pumila para pagtinawag na kami lalabas na lang.





Unang tinawag si coach sunod 'yung teacher in-charge samin. Then kami na, grabe 'yung ingay nung tinawag si Ate Kendra. Ganon siya kasikat sa school.





"Loosen up. Kaya niyo 'yan" sabi ni coach bago namin nilagay ang kamay namin sa gitna at sumigaw.





Kasama ako sa first six kase ako ang setter. Si Jade ang libero namin dahil magaling siyang maghabol. Kahit maling tao hinahabol niya, medjo joke.





First set, nakuha namin pero sobrang tagal ng naging labanan kaya pagod na pagod kaming lahat. Nagpapalit palit kase kami ng mga tira. Pero sa second set, muntik na namin hindi makuha. Buti na lang nablock ni Ate Nicole 'yung huli kaya nasa amin ang huling puntos.





Natapos na ang handshake namin kaya bumalik na ulit kami sa loob. Nagpalit na kami ng damit namin pero kailangan pa daw namin antayin si coach kaya nagstay muna kami.





Boy Next Door || ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt