thirty-two

26 6 1
                                    

"Kahit hindi ka dumistansya, pero sana alam mo 'yung hindi mo dapat gawin. Just do this to respect yourself, kahit hindi para sa 'kin. Ayos na 'yon," dagdag ko pa, pero medjo kalmado na compared kanina.





Hindi lang naman 'to ang unang beses na narinig ko siyang ganon. Pinalagpas ko lang 'yung mga dati kase baka ganon lang talaga siya. Pero dahil sa sinabi niya kanina, dapat naniwala na ako sa iniisip ko na hindi normal 'yon. Masyado akong naging mabait sa kanya.






"Love, tara na," hindi ko na narinig ang gustong sabihin ni Thine kase hinigit na ako ni Shawn paalis sa pwestong 'yon. Sumakay ako sa kotse niya kase don niya ako dinala.





"Pumunta ka ba dito para don?" tanong niya habang nagdridrive. Tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.





"'Wag ka ngang assuming dyan. May nilakad ako dito, 'no," sagot ko sabay tingin sa labas. Narinig ko ang mahina niyang tawa, pero hindi ko na lang pinansin.





Feeling ko papunta kaming mall dahil sa daan na dinadaanan niya. Feeling ko lang naman 'yon. Pero minsan kase malakas ang pakiramdam ko.





Tumingin ako sa paligid para maghanap ng tubig kase nanunuyo na lalamunan ko. Nakakita naman ako sa may gilid niya, sa may pinto, kaya dumaan ako sa ilalim ng braso niya para kunin.





"Naiinom 'to?" tanong ko sa kanya at tinaas ang malaking tumbler. Baka kase tubig pala 'to para sa sasakyan, mainom ko pa.





"Yes," sagot niya kaya binuksan ko na. Dahil sa uhaw ko, hindi ko ine-expect na mauubos ko 'yung laman, medjo puno pa naman.





Tama 'yung feeling ko kanina, sa mall nga kami pumunta. Inaya niya akong magdinner kase magsi-six na rin naman daw.





Sabi ko konti lang ang kakainin ko kase busog pa ako, kaya hindi ko aakalain na naubos ko 'yung pagkain ko. Dagdag mo pa na hiningi ko 'yung side dish ni Shawn. Putangina, ang takaw ko.





"Tara bili tayong kwek kwek," sabi ko sabay turo don sa isang station na nagbebenta non. Inayos ko ang hawak ko sa kamay ni Shawn kase ayon ang ginamit ko.





Tinignan naman niya ako na may pagtataka sa mukha kaya nagtataka rin ako. Bakit kase ganon reaksyon niya? Pero tumango rin siya at sinabing siya na lang daw ang oorder, kase ang daming lalaki. Kaya nag-antay na lang ako sa isang gilid.





"Maanghang 'yung suka. You want that, 'di ba?" sabi niya sabay abot sa 'kin ng plastic cup. Tumango naman ako pagkatanggap ko.





Kakainin ko na sana 'yung isang itlog kaso napalayo ako nang maamoy ang suka. Kinuha niya 'yon dahil sa kanya ko inabot. Napahawak ako sa bibig ko dahil feeling ko masusuka ako sa amoy.





"What's the problem?" sabi niya at himihimas ang likod ko. Tumalikod naman ako sa kwek kwek para makakuha ng hangin at hindi masuka.





"Ang baho," sabi ko nang umayos na ang pakiramdam ko. Hinarap ko siya, pero tinakluban ko ang ilong ko kase baka maamoy ko nanaman.





Inamoy niya 'yung laman ng cup kaya nag-aabang ako ng hinaying niya. Ilang beses niya 'yon inamoy para makasigurado.





"Hindi naman, ah. Normal lang ang amoy," sabi niya at inamoy amoy ulit. Tinapat nga niya ulit sa 'kin pero lumayo ako. Baka kase sa susunod na maamoy ko 'yon, tuluyan na akong masuka.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon