fifteen

23 6 0
                                    

"Oh, anong meron at nagpameeting ka pa Jade?" tanong ni Abbie habang nanguya.





Andito kase kami sa unit ni Jade, nagpameeting gawa nung sinabi ko kanina. Kararating lang namin, ulit, kase hinatid niya ako sa unit ko. Ayaw akong lubayan lalo na pagmalapit ako kay Shawn.





Kaming babae lang pala ang andito. Parang girls emergency meeting na.





"Ganto kase 'yan. Kei, ika'y umupo nga dito, hindi 'yung nakatayo ka lang dyan" dahil don umupo ako sa tabi ni Jade sa sahig.





Ah, ewan ko kung anong mararamdaman ko. Hindi naman kase importante 'to.





"'Yung shiniship ni Bella kay Kei, ikakasal sa iba" pagpapatuloy niya.





"Sino don? Madami dami sila ah. May Liam, may Earl may Sh-"





"Sino pa bang latest? E'di si Shawn" pagpuputol niya sa sinasabi ni Ysa.





"Wait, what?! Shawn is getting married?!" gulat na tanong ni Sten. Malalaglag pa nga 'yung mga papel na nasa lap niya.





"Oh, akala ko niligawan ka?! Bakit ikakasal sa iba?" inis na tanong ni Bailey kaya nagkibit balikat na lang ako.





Hindi ko rin naman alam isasagot ko.





"Baka naman arrange marriage? Kase kung hindi, aba, sira ulo siya" sabi naman ni Madi habang nagtytype.





Teka, anong ginagawa niya? May ipapasa ba?!





"Uso pa ba 'yon?" tanong Bella.





"Oo, ata. Lalo na sa mga may business" sagot ni Ysa.





"Oh, 'di ba may business din kayo? Bakit hindi kayo inarrange?" tanong naman ni Abbie.





"Ewam, kase baka 'di pa kami naluluge?" charot lang. Baka sadyang hindi lang nila napag-uusapan 'yon. Or hindi applicable business ng isa sa kabila.





Ah, ewan. Napasabak na ako dyan pero wala akong alam. Basta ko na lang kase nalaman na ikakasal na pala ako.






"Tara lugihin natin"





"Gaga ka" reaksyon ko sa sinabi ni Jade. Lugihin ba naman daw. Hindi naman akin 'yon.






'Tyaka, if ever naman na maluge nga, 'wag naman sana, hindi ako kay Shawn ikakasal, sa iba. At kagaya ng sabi ko kanina, dapat applicable 'yung business sa isa't isa. Kase share niyo ang tinutukoy don.





Kaso, imposibleng makakasama ulit ako don. Tumanggi na ako sa una, eh.





"Anong plano mo ngayon?" tanong ni Bailey.





"Gaga, paglaban mo si Shawn. Ikaw naman nililigawan" palaban na sabi ni Bella.





"Ako talaga ang lalaban? Hindi siya?" hindi naman ako ang ikakasal ah.





"Hindi naman pwedeng siya lang. Dapat parehas kayo" sabi ni Jade pero pumikit na lang ako.





Sa reaction niya kanina, mukhang hindi. Ang saya niya, eh. Mukha ngang ready na siya ikasal.





"Bahala na" simpleng saad ko.





Dahil sa naging usapan namin, nag-aya silang mag-inom. Kahit daw dito na lang sa unit, okay na. Sila Madi ulit ang bumili pero hindi naman sila nagtagal kaya nagsimula na.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now