thirty-three

29 6 3
                                    

Matagal kong tinignan ang pregnancy test na binigay sa 'kin ni Shawn. Nagdodoubt kase ako baka kase masayang. Kahit naiisip ko din na baka buntis ako.





Kung buntis man kase ako, ano na lang iisipin ng pamilya ko? Hindi naman kase kami kasal. Halos kakameron nga lang namin ng label.





Sa huli, napagdesisyunan ko na gawin 'yon. Nakatayo lang ako habang nakapatong ang dalawang kamay sa lababo. Nang makitang lumabas ang isang guhit, kinuha ko 'yon at nagmamadaling lumabas para ipakita kay Shawn.





"Oha! Isang guhit lang, ibig sabihin hindi ako buntis," sabi ko sa kanya at pinakita. Kinuha naman niya sa kamay ko 'yon kaya bumalik ako sa pwesto ko.





"When was the last time you go to the eye doctor?" tanong niya. Napa-isip tuloy ako ng wala sa oras. Kelan nga ba? Matagal tagal na rin kase. Nasa America pa ako.





"Hmm, two years ago? Not sure. Bakit?" nag-aabang ako ng sagot niya pero nakita kong pinabalik balik niya ang tingin sa pregnancy test at sa 'kin.





Nakita kong tumayo si Bella at Jade bago lumapit sa kanya. Naguguluhan pa nga ako dahil biglang nanlaki ang mga mata nila.





"Gaga, buntis ka," bulong ni Ysa. Kumunot ang noo ko kase hindi ko siya naintindihan.





"Gaga! Buntis ka, tanga!" napatitig ako ng matagal kay Bailey nang sabihin niya 'yon. Bakit isang linya lang kanina?





"I think hindi pa tapos kanina kaya isang line lang nakita mo," medjo mahinang sabi ni Shawn pero sapat na para marinig ko.





Dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nila, tumayo na ako para ako na mismo ang makakita. Inalalayan pa nga ako ni Shawn dahil matutumba ako.





Ow, shit. Positive nga.





Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Shawn. Narinig ko din ang sigaw ng mga kaibigan ko. Nang maprocess na ng utak ko lahat ng nangyayare, bigla akong naiyak at niyakap na rin siya pabalik.





Dahil buntis ako, ibig sabihin I'm a mom. I'm a mom, everyone!





Bumitaw na kaming dalawa sa yakap pero bigla niya akong hinalikan sa labi. Hindi naman matagal 'yon kase nasa harapan kami ng mga kaibigan ko. Medjo nakakahiya lang.





"Bawal na mag-inom. Bawal na mag-inom. Bawal na mag-inom," asar nilang lahat sa 'kin. Napasimangot naman ako dahil naalala kong nag-iinuman nga pala kami.





Wala na finish na. Siyam na buwan akong hindi iinom. Depende pa rin pala kung ilang buwan na akong buntis. Matagal tagal na akong nakakaranas ng morning sickness, eh. Hindi ko lang talaga pinapansin.





Pinanood ko na lang silang mag-inom. Andito pa rin naman ako sa pwesto ko, pero wala na akong shot. Panay asar nga sila sa 'kin kase may chance na daw ako kanina, sinuka ko pa.





Hindi ko naman siguro kasalanan na nakakasuka, 'no? Pero hindi ko rin sinisisi ang anak ko don.





"Ako magpapa-anak sa 'yo, Kei, ha?" medjo lasing na sabi ni Bella. Tumango naman ako.





Siya kase ang nagpa-anak sa kanilang lahat. Napa-isip tuloy ako kung siya rin ba nagpa-anak sa sarili niya.





Sinaraduhan ko na ang pinto ng kwarto namin nang makalabas na silang lahat. Ubos na kase ang iinumin nila kaya babalik na sila sa mga kwarto nila. Madaling araw na rin naman, may mga pasok pa bukas.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now