twenty

31 7 1
                                    

"Shawn, hiwalay na talaga kayo ni Kendra?" napatigil ako sa pagsubo ng kanin dahil sa naging tanong ni Dad. We're eating our dinner kung ano-ano tinatanong.





"Dad, it's been seven months since we broke up" napa-iling na lang ako pagkasabi ko non. Parang magulang ko ang nakipagrelasyon, sila ang hindi makamove-on.





"I think you should make up with her" napatingin na lang ako kay Mom nang sabihin niya 'yon.





"What do you mean?" I mean we're in good terms. Pinag-usapan naman namin ng ayos 'yung hiwalayan namin, kaya anong ibig niyang sabihin na I should make up with Kendra?







"Her father and I talked about something. Napagkasunduan din namin na we should arrange your marriage since nalulugi na rin 'yung business nila" pagpapaliwanag ng tatay ko pero hindi sapat para masatisfy ako sa gusto niya.





"Hindi naman ako maghahandle ng business niyo? Bakit hindi si Ate na nagtratrabaho na sa company?" I think mawawalan ng kwenta 'yon tutal, hindi ako magtratrabaho sa kanila.





Maybe pagnaging business lawyer nila ako, pero hindi pa rin siguro? I don't know, wala akong alam sa nangyayare sa business world. Hindi naman talaga ako interesado don in the first place.





"Shareena is already married. Kaya paano? Ikaw na lang ang pwede, so fix everything with her, 'kay?" hindi na ako sumagot sa sinabi ng nanay ko bagkus tinuloy na lang ang pagkain ko.





I finish my lunch so I can already go. Punta na ako sa condo ko para makapagligpit na ng gamit. Two weeks pa naman bago magsimula ang klase pero inagahan ko na rin ang pagpunta ko.





Pagkarating ko sa tapat ng unit ko na-abutan ko si Kai na lumabas sa kabilang unit kasama si Kuya Kio, older brother niya. Dito na ba siya tutuloy? Or sila?





"Oh, Shawn. Dito ka pala?" tanong niya sakin kaya napatango ako. Hindi kami sobrang close, pero dahil sa basketball team masasabi kong may nabuong friendship sa pagitan naming dalawa. I don't know, baka ako lang.





"Yes. How about you? Finally, deciding to live alone in a condo unit?" naalala ko kase na he's living with his parents. Naalala ko rin na hindi siya pinapayagan ng mom niya kase dagdag gastos lang daw 'yon. Base sa mga kwento niya.





"No, not me. My younger sister. By the way, Shawn, please keep an eye on her. I mean, hindi lagi pero if may chance na magkasama kayo sa iisang lugar, please. She's kinda reckless in doing things, but she's smart don't worry. May times lang talaga na hindi siya nag-iisip pagkumikilos" mahabang paliwanag niya kaya napatingin ako sa Kuya niya. Tumango naman siya kaya mukhang totoo.





Tumango na lang ako bilang sagot. Ang dali lang pala, eh. Babantayan lang, hindi pagsasabihan.





Kaso hindi ko naman siya kilala, so paano? Bahala na nga si batman.





Nag-usap lang kami ng konti bago sila nagpa-alam na aalis na sila. Pumasok na rin naman ako sa loob para makapagsimula nang maglinis.





Wala akong ibang ginawa for two weeks kung hindi sumama kina Ryan na pumunta sa skateboard park. Iba iba naman pinupuntahan nila kaya hindi ganon nakakasawa.





I don't know how to skate, kaya lagi lang ako nasa may bench or sa may tabi, nag-aantay sa kanila. Hindi naman ako nabobored kase sanay na ako. I think, this is better kesa mabulok ako sa unit ko dahil wala akong magawa.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon