thirty-four

25 6 8
                                    

"I'll just eat this cupcake," sabi ko sabay taas sa strawberry cupcake na galing kahapon. Tinignan ako ni Shawn na may blankong mukha bago bumuntong hininga.





Wala siyang magagawa. Gusto ko sweets, eh. I mean, gusto namin ni baby.





We just eat our breakfast before going to Bella's hospital for my monthly check-up. Feeling ko nga nagkakasala ako sa sarili kong ospital kapag napunta ako don. Kung bakit ba naman kase magkahiwalay kami?





"Grabe, kararating ko lang din. Hindi naman halatang excited kayo, 'no?" salubong ni Bella sa 'min pagkabukas niya ng pinto. Ngumiti na lang ako ng malapad at pumasok nang lakihan niya ang bukas ng pinto.





Aayusin lang daw muna niya 'yung mga gagamitin kaya humiga na ako don sa tinutukoy niya. I took some pictures while waiting. Para na rin may memories.





"Taas mo na shirt mo," sinunod ko na parang bata ang sinabi niya. May pinahid siya sa tyan ko na malamig kaya medjo napangiti ako. Umiwas na lang ako ng tingin, at don ko napansin na may camera.





"Gagi, nagvivid ka?" tanong ko. Ngumiti lang siya sa 'kin bago tinakluban ang mata ko.





"Kailangan ko lang po ng pangdocument, ma'am, sir," tanging saad na lang niya. Halatang nang-aasar.





Excited na excited akong pumunta dito kase finally malalaman ko na ang gender ng baby ko, kaso nawala na lang din 'yon na parang bula. Ayaw ba naman ipa-alam sa 'min ni Bella. Sa gender reveal na lang daw.





Sino ba naman kaseng nagpa-uso ng gender reveal na 'yan? Nadadamay ako.





"Kelan pa 'yung gender reveal?" medjo inis kong saad habang naka-upo sa tapat niya. Tapos na kase, pero wala akong nakuhang sagot sa kung anong gender ng anak ko.





"Hmm, after ng check-up mo kapag six months ka na? Hindi pa rin naman sobrang sure sa ngayon, pero may lead na naman ako," medjo napanganga na lang ako ng sabihin niya 'yon.





Ang tagal pa! I mean, para sa 'kin, matagal pa. Gusto ko ng malaman, eh. Like now na sana, hmp.





Bumuntong hininga na lang ako dahil don. Narinig ko siyang tumawa kaya tinignan ko siya ng masama. Tuwang tuwa na siya lang may alam, ah.





Sa huli, hindi ko na pinagpilitan kase alam kong wala rin naman akong magagawa. Si Shawn nga hindi nakikisali sa 'min kanina, parang tanggap na niya 'yung nangyayare.





Kahit Christmas break, may pasok ako sa ospital. Si Shawn naman, wala kaya sa bahay lang siya. Hindi naman araw-araw ang pasok ko kaya ayos na rin.





"So, anong gender?" napatingin ako sa gilid ko dahil narinig ko si Cyrus na nagsalita.





Binaba ko 'yung hawak kong medical record ng isa kong pasyente bago ko siya hinarap. Naglalakad kaming dalawa kaya tumitingin tingin rin ako sa dinadaanan ko.





"Intayin mo na lang sa gender reveal. Kahit ako, hindi ko alam," sarcastic kong sabi. Totoo naman kase. Hanggang ngayon, medjo naiinis pa rin ako don.





Walang kaso sa 'kin kung anong gender ng anak ko, promise. Kaya lang gusto ko ng malaman, dahil gusto ko na mamili! Gusto ko ng magbaby shopping!





"'Diba gusto mo ng kambal? Too bad, hindi ako ang ama nan," pabiro niyang sabi, pero napakunot ako ng noo. I know, joke lang 'yon. Pero parang may hidden meaning kase.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now