seven

33 7 0
                                    

"Thank you!" sabi ko pagka-upo niya sa harapan ko. Kinuha ko 'yung order ko sa tray at ganon din ginawa niya.





Andito kami sa fast food sa labas lang ng condo namin. Sabi niya kase dito na lang daw kami kumain para daw madaling makauwi. Hindi 'yung malayo pa at baka daw matraffic pa.





Nilagay niya sa bakanteng table 'yung tray na wala nang laman kaya pinunasan ko na ang utensils na gagamitin namin. Basa kase.





"Thank you for the treat. Bawi ako next time. Promise!" masayang sabi ko sabay halo sa palabok ko.





"So, there's next time, huh?" namilog ang mata ko bago tumingin sakanya. Nang makita niya ang reaksyon ko, bigla siyang ngumisi ng nakakaloko. The fuck?





Tahimik na lang akong kumain at hindi na nagsalita pa. Baka mamisunderstand nanaman niya ang ibig kong sabihin. 'Tyaka, hindi ko na rin alam ang sasabihin ko.





I cant' believe na may playful side pala siya. Lagi ko na lang kaseng nakikita siyang seryoso. 'Yung parang papatay ng tao, ganon.





"By the way, bakit wala kang money?" tumigil ako sa pagsubo ng kinakain ko bagkus tinignan ko siya. Umayos ako ng upo at iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya kung bakit.





Kase naman baka sabihin ang gastador ko. May pera pa naman ako. Piso, limang piso, ganon. Sukli kanina.





"Bumili kase ako ng headset" sabi ko ng hindi natingin sa kanya.





"Really? Let me see" tinitigan ko siya dahil sa response niya.





Seryoso? Interesado siya don? Okay, let's say, he's interested. Pero seryosong gusto niya makita ngayon? Eh, nasa public place kami? I mean, pwede naman siguro mamaya?





Tinaasan niya ako ng isang kilay kaya napabuntong hininga na lang ako. Seryoso nga siya.





Binuksan ko 'yung bag ko at nilabas ang pink na paper bag. Doon kase nakalagay 'yung headset, ang cute nga. Inabot ko sa kanya kaya kinuha niya agad. Nang buksan niya niya 'yon, napanganga siya sa nakita niya.





"Wait. You're a streamer?" tanong niya habang ngiting ngiti. Luh? Porket may cat ears na headset streamer na agad? Hindi ba pwedeng, nacute-an lang?





"No. Not me, my friend. Pero nakakasama ako sa streams niya pagmulti player 'yung game" sagot ko sabay subo sa palabok ko.





Si Lucas 'yung tinutukoy ko. Siya ang gaming buddy ko. Pero nakakasama ko din naman sila Earl, 'di lang lagi. Minsan kase wala sila sa mood laruin 'yung game na lalaruin namin kaya kadalasan kaming dalawa lang talaga.





"Who's that friend? Baka napapanood ko" binalik naman niya sakin 'yung headset ko kaya tinago ko na. Wait, he's watching gaming streams?!





"Si Lucas. JVee ang streaming page niya. Capital j and v tas dalawang small e" Why do I sound so excited? Para akong tanga eh.





"Oh, the one that Ryan recommended" biglang kumunot 'yung noo ko dahil sa sinabi niya. Ryan? Sino 'yon?





Gusto ko sanang tanungin kung sino 'yon kaso biglang tumunog phone ko kaya kinuha ko 'yon sa bulsa ko. Okay nga at napigilan pagiging chismosa ko.




From Bella
Mamsh patingin ako nung gawa mo huhuhu





Wait, hold up. Ano 'yung gawa ko?! Hoy, teka, nakinig naman ako kanina kaya ano 'yon?!





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now