two

54 8 0
                                    

"Hoy, bakit ka ba nagmamadaling umalis?" tanong ni Earl nang makapasok siya sa driver's seat.








"Basta nga! Tara na" reklamo ko sabay tingin sa bintana. Hindi na sila nagsalita pero ramdam ko na tinitignan niya ko sa rear mirror. Pero hindi ko na lang pinansin.





Sa dinarami-rami ng pwedeng direction na puntahan ng skateboard ko, don pa napunta sa lalaking walang modo. 'Yung sa fast food kanina.








Tapos nung huminto sa kanya hindi niya tinulak pabalik sakin. Tinitignan niya lang ako. Lalapit na nga sana ako, kaso kinuha na ng kaibigan niya at binigay sakin. Buti pa yon!








Ano nga bang pangalan non? 'Yung walang modo. Lalagay ko lang sa death note ko, kaso wala ako non.








Hindi ako interesado sa kanya kaya inaalala ko pangalan niya. Curious lang ako. Malay mo naman kase pinag chichismisan din pala siya ng ibang tao dahil sa ugali niya, tapos hindi ko alam na siya pala yon. Sayang, hindi ako makakarelate.








Kinuha ko 'yung phone ko sa bag para buksan 'yung instagram ko. Baka nasa search history pa gawa ni Bella. Hindi ko pa naman inaalis.








Nakita ko agad 'yung account niya kaya pinindot ko yon. Hindi siya naka private kaya kita ko mga post niya, kaso walang post na may mukha ng tao. Sa profile lang niya.








shawnivara
1,363 followers 43 following 20 posts
Shawn Dave Ivara





Grabe, ang daming followers. Tapos, follow siya ng mga Kuya ko? As in 'yung dalawa?! Kahit si Kuya Kio?!








Hindi na ako mag tataka kung follow siya ni Kuya Kai, kase nga don hinanap ni Bella 'yung account nilang lima. Pero kay Kuya Kio talaga ako nagulat, sobra.








Ang unti kase ng finofollow non kase hindi naman siya mahilig magsocial media. Ilang taon nga inantay ni Bella na ifollowback siya non, tapos follow niya ang isang walang modong lalaki?!








Pinatay ko na lang 'yung phone ko at tinago kahit hindi pa rin matanggap ng utak ko 'yung nakita. Sa totoo nga nan, lowbat na ako. Sadyang matibay lang talaga ako kaya sinasagad ko ang battery.








So, Shawn Dave pala pangalan niya. In fairness, ang gwapo ng name niya. 'Tyaka siya, wala lang talagang modo.








Nagdrive thru muna kami, tutal dinner na rin naman, bago umuwi. Buti na lang at hindi mahaba ang pila kaya naka-uwi na kami agad.








Naligo muna ako kase ramdam ko 'yung pawis ko, bago kumain. Sinabay ko na rin ang panonood ng anime kaya inabot ako ng ilang oras bago ko napagdesisyunan na matulog na.








The next day, walang importanteng nangyari sa school. Boring pa rin pero nakinig na ko ngayon. Ewan ko bigla akong ginanahan eh.








Earl : hoy tara chug chug

Jadeline: anong chug chug yan haa

Jyro : painosente pa huh arat arat

Ysa : sinong bibili?

Abbiegail : oo nga sinong bibili








Kakabukas ko lang ng insta ko, ito agad ang bumungad sakin. Pero ayos lang, chug chug daw eh. Masamang tumanggi sa kasiyahan.








Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now