five

46 7 0
                                    

Nagising ako nang mauntog ako. Minulat ko ang mga mata ko para makita ko kung saan ako nauntog.





Ah, sa side table.





Napa-angat ako ng ulo ko ng marealize kong hindi ganon kataas ang side table ko. Ginala ko ang tingin sa paligid ko, binagsak ko ang ulo ko nang mapansing andito nanaman ako.





"Pota, anong nangyari kagabi?" bulong ko sa sarili ko. Nilagay ko ang kanang kamay ko sa noo ko at mahina 'yon pinukpok.





"Good morning" tinignan ko ang lalaking nagsalita pero agad ding umiwas dahil kakalabas lang niya ng cr at naka towel lang siya.





"M-morning" dumapa ako para makaface-to-face ko 'yung unan at hindi siya makita.





"I'm wearing my shorts don't worry" sabi niya.





Dahan dahan ko siyang tinignan at nakita ko na naka tshirt at shorts na siya. Wala na din ang towel na nasa bewang niya kanina.





My god! Ang hot niya tignan kanina!





Wtf, Kei! Anong iniisip mo?!





"Paano ako napadpad dito?" tanong ko sabay upo para maayos ko ang sarili ko.





"I drove you here. You're wasted" sabi niya habang pinapatuyo ang buhok niya.





"Bakit hindi sa unit ko?" tanong ko.





"I'm asking you your passcode, but you keep saying I love you" napalaki yung mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya.





A-ako?! Nagsabi ng I love you sa kanya?!





"Just kidding" sabi niya sabay labas ng kwarto.





Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Buti na lang joke lang 'yon, kung hindi lupa kainin mo na ko please lang!





Bumaba na ako ng kama at inayos 'yung tinulugan ko. Pumasok din ako sa cr para mag-ayos ng sarili.





Nang lumabas ako, naabutan ko siyang nagbrebreakfast na. Hindi ko tuloy alam kung sasabay ako or hindi.







"Eat your breakfast" sabi niya at inipod ang bowl na may lamang soup sa tapat ng bakanteng upuan.





Umupo ako don at kumain. Since, hindi ako sanay na tahimik kinausap ko siya, nanaman. Lagi na lang.





"San ka nga pala natulog?" tanong ko na dapat tanong ko rin last time. Kung hindi lang niya pinutol ang sasabihin ko.





"Couch" tinignan ko ang couch niya at don ko napansin na maliit 'yon para sa kanya. Kung para sakin ayos lang.





"Nagkasya ka don?!"





"No" tumayo siya pagkasagot niya non.




"Dapat don mo na lang ako pinatulog" sabi ko at humigop ng sabaw. Paano niya kaya pinagkasya ang sarili niya don.





"You told me you don't want to sleep there" sagot niya habang naghahalo.





Nakakahiya ka talaga, Keilah! Ang kapal talaga ng mukha mo! Nakakadalawang beses ka na! May susunod pa ba?





Habang kumakain kami, tumahimik na ako. Hindi na ako nagtanong pa baka kung anong nakakahiyang ginawa ko nanaman ang malaman ko. Hindi ko na keri!





Boy Next Door || ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang