thirty-nine

25 6 7
                                    

"Happy birthday to you~" sabay sabay naming kanta. Pumikit si Shawn bago niya hinipan ang kandila.





Ayaw daw niya ng ganito, pero dahil ako ang girlfriend niya, hindi ako papayag. Special birthday, walang handa? Nako, hindi talaga.





Nangungunang kumuha ng pagkain sila Abbie at Bailey. Napamasahe naman ako ng noo ko dahil ako ang biglang nahiya. Matagal na silang ganito, ngayon ko lang ulit nakita.





Sa bahay na pinagawa ko lang kami nagcelebrate ng birthday niya. Nagluto ako ng bake mac 'tyaka chicken honey kase ayon ang favorite niya. Nagbake na rin ako caramel cake. Tinulungan naman ako ni Mommy Irene, mommy niya.





"Love, I told you na okay lang kahit tayong dalawa na lang, 'diba?" nahihiyang saad niya. Ngumisi naman ako.





"E'di sana, 'di ako ang jinowa mo," sarcastic kong sabi bago nagpasyang umalis. Hinawakan lang niya ang kamay ko bago ako niyakap sa likod kaya hindi ko nagawa.





"Pero thank you. I appreciate your effort, its just..." natawa naman ako sa naging tono niya. Ayaw kase niya ng sobrang attention galing sa mga tao, lalo na kapag ganito. I understand it naman.





Naisip ko lang kase magganito kase first birthday namin together. Hindi kase inabot dati dahil umalis na ako.





Unti unti nang nadadagdagan ang mga bisita. Sabi kase nila kaya sila malalate gawa ng trabaho. Naiintindihan ko naman. Akala ko nga magkukulang 'yung mga ginawa ko, hindi pala, sakto lang.




After ng kainan, nagpasyang mag-inom ang mga lalaki. Kaibigan ni Shawn at sila Earl ang magkakasama. Pati na rin 'yung mga asawa ng mga kaibigan ko, kasama nila.





Gusto ngang maki-inom nina Jade, kaso walang magbabantay sa mga anak nila. Mabuti nga kahit papaano nagkaroon ng bond sa kanila kahit sa 'min lang nila nakilala ang isa't isa.





"Kei, mauna na kami," napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ng nanay ko. Kahit nahihirapan na akong maglakad pinilit kong lumapit sa kanila.





"Hindi ka sasama sa kanila Kuya?" tanong ko kay Kuya Kai. Wala kase si Kuya Kio, hindi nakapunta gawa nang kailangan daw mag-over time sa trabaho.





Nakakapagtaka nga, sa iisang company lang naman nagtratrabaho mga Kuya ko, pero wala dito ang panganay. Isa lang ang ibig sabihin non, tamad talaga si Kuya Kai. Proven and... Proven.





Umiling naman siya bilang pagsagot sa tanong ko kaya tumango na lang ako. Pinanood ko na lang silang umalis sa may front door. Medjo sumakit din kase ang tyan ko, medjo lang.





Maya maya lang, nababawasan na ang bisita namin hanggang sa umuwi na silang lahat. Nagligpit ako ng kayang ligpitin para kung may ipagpapabukas ako, kakaunti na lang.





"Love, let me do it. Take some rest," kinuha niya sa kamay ko ang sponge at inagaw ang pwesto ko. Ako naman, umipod para hindi maging sagabal sa paghuhugas niya. Sumilip ako sa may bakuran namin at nakitang malinis na kaya malamang inayos na niya ang lahat.





"Taas na ako?" pagtatanong ko. Baka kase may ipapagawa siya sa 'kin kahit imposible. Nang tumango siya, tumaas na ako para maglinis.





Sa mga araw na dumaan, nasa bahay lang ako lagi. Gigising ng maaga para maghanda ng umagahan. Maglalakad kapag umalis na si Shawn. Nanonood kasama sina Nae at Loke, kahit alam kong wala silang naiintindihan. Tapos maglulunch. Hihintayin na dumating galing sa trabaho si Shawn. Magluluto ng dinner namin. Paulit ulit lang 'yan hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay ko.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now