forty

47 8 7
                                    

"Good morning," tumingin ako sa may pinto nang marinig ang boses ni Shawn. May dala siyang tray ng pagkain habang naglalakad papalapit sa 'kin.





Kakagising ko lang kaya hindi pa ganoong nagsisink-in sa utak ko ang nangyayare. Nakatulala lang ako sa kanya hanggang sa marinig ko ang tawa niya. Nababaliw na ba siya? Anong nakakatawa?





"Here's your breakfast, my lady," sabi niya at tinuro pa ang niluto niya. Napanganga muna ako bago tumango. Right, breakfast 'to.





"Ang hirap mo talagang puyatin. Kung saan saan napunta utak mo sa umaga," saad niya bago ginulo ang buhok ko. Hinampas ko naman 'yon kase nasubo ako ng ham. May napasok kaseng buhok sa bunganga ko.





Lumabas na siya ng kwarto namin kaya kumain na lang ako. Maya maya naman, pumasok na ulit siya bitbit si Xeon. Natawa pa nga siya kase kinukulit siya ng daddy niya.





"'Wag," sabi ko at nilagay ang braso sa unahan ko. Ito kaseng si Shawn, ibibigay sa 'kin si Xeon.





"Baby, ayaw sa 'yo ni mommy. Kay daddy ka na lang, kaso wala akong boobs at milk," sinipa ko ng mahina si Shawn dahil sa sinabi niya. Bwiset 'to, kung ano anong sinasabi sa baby namin. Mabuti na lang at hindi pa niya matatandaan 'yon.





"Animal. Hindi pa kase ako nagmumumog," saad ko sabay tayo para pumasok sa cr. Matagal akong nakikipagtitigan sa sarili ko sa salamin bago ginawa ang dapat kong gawin don.





Bigla akong natauhan nang maghilamos ako. Sobrang lamig kase ng tubig. Parang yelo ang inihilamos ko.





"Ang tagal mo naman. Hinahawakan na ni Xeon dede ko," napapikit ako nang sabihin 'yon ni Shawn pagkalabas ko ng cr. Kinuha ko na rin sa kanya si Xeon.





"Shawn naman, bunganga mo," walang gana kong sabi. Nilipat niya 'yung tray ng pagkain sa may lamesa nang makita niya akong pwepwesto sa paghiga.





"Bakit? We're the only ones here," natatawa niyang saad. Nilagay ko na lang ang hintuturo ko sa may bibig ko bago tinaas ang shirt ko.





"Ano kayang pwede kong itawag sa 'yo? Wifey?" napatakip ako sa bunganga ko gamit ang kanan kong kamay dahil don. Seriously? Saan babad si Shawn these days?





"Ang corny mo," sabi ko at tinignan siya na parang nadidiri ako sa kanya. Nagjojoke siya, oo. Pero hindi ganitong kacorny kaya anong nangyayare sa asawa ko?





"Grabe ka naman, Kei. Hindi ka nananalamin," napastraight face na lang ako dahil don. Ito ba 'yung sinasabi niya sa 'kin kagabi na humanda ako sa unang araw ng kasal namin? Magiging mais na ba siya?





Patuloy lang niya akong inaasar habang nagpapabreastfeed ako. Pinapabayaan ko na lang siya kase wala ako sa mood. Inaantok pa kase ako. Bakit ba kase pumayag pa ako?





"Kei, you know, I'm also a baby," tumingin ako kay Shawn nang sabihin niya 'yon. Ano naman 'to this time?





Nakita ko siyang nakatingin sa dibdib ko kaya hinampas ko ang ulo niya. Bumaba na rin ako ng kama nang makita kong nakatulog na si Xeon.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon