twenty-five

30 6 4
                                    

"Ate, alis na ako" narinig kong sabi ni Rae. Nakita ko rin na kinuha niya 'yung hinanda kong almusal para sa kanya.





"Matte! Nakita mo ba salamin ko? Nahihilo na ako sa pinapanood ko" tanong ko sa kanya at bumalik ulit sa paghahanap sa sala.





Hindi ko maalala kung saan ko 'yon huling nilagay. Narealize ko na lang na wala pala akong suot nang manakit na mata at ulo ko.





"Kung wala dito baka nasa office mo" napaface palm na lang ako dahil sa sinabi niya. Siya naman alanganing ngumiti bago nagmamadaling umalis.





Alam niyang nakacontacts ako pagnagtratrabaho. Tinatanggal ko naman 'yon tuwing 'di pa ako gagawa. Basta hindi ako nagsusuot ng salamin sa ospital. Dito lang sa condo or kapag kasama mga kaibigan ko.





"Makapagpagawa na nga lang ulit" bulong ko sa sarili ko. Kung wala, e'di pagawa na lang bago. Mukhang naiba na rin naman grado ko don.





Naligo na agad ako kase balak kong ngayon na pumunta. Nagsuot na lang ako ng shorts at oversized shirt tutal 'di pa naman ako sa trabaho pupunta. Mamaya pa 'yon.





Kinuha ko rin ang coat ni Shawn na nakasabit sa upuan ko. Naiwan kase niya sa office ko kahapon. Hindi ko naman siya natext kase bigla akong nahiya.





Sinigurado kong nakalock ng ayos ang condo ko bago ako pumunta sa tapat ng condo ni Shawn. Naka-ilang bilang ako ng 123 bago ako nagkalakas ng loob na magdoorbell.





Nag-antay ako don ng ilang minuto kase walang nalabas kaya doorbell lang ako ng doorbell. Ilang minuto nga ata ako don sa tapat.





"Wala na ata siya" bulong ko sa sarili ko bago sumakay sa elevator. Puntahan ko na lang siguro sa trabaho.





Hinanap ko 'yung calling card niya para makita kung saang company siya nagtratrabaho. Buti pala binigay niya sakin 'to.





"Hello, Ma'am. Welcome to Mindare's Law Company. How can I help you?" tanong sakin ng babae sa front desk pagkapasok ko.





Tumingin ako sa paligid para makita kung gaano kalaki ang building nila bago ko binigay ang attention ko sa kanya. Ngayon lang kase ako nakapasok sa isang law company.





"I'm looking for Shawn Ivara. Is he here?" tanong ko. Baka kase wala pala siya dito. Aalis na lang ako.





"Yes. He just arrived maybe five minutes ago" sagot niya sa tanong ko. Nag-aalanganin tuloy ako kung papatawag ko pa ba siya or hindi na. Kararating lang pala niya.





"Do you have an appointment to his secretary?" tanong niya kaya umiling ako. Biglaan lang naman pagpunta ko dito. Wala talaga sa plano ko. Hindi naman ako nainform na ganito pala 'to.





Ikaw naman kase, Shawn. Bakit wala ka sa unit mo? Bakit mo rin naiwan 'tong coat mo?





Ikaw rin, Keilah. Bakit ba natatakot kang tawagan si Shawn. Ibibigay mo lang naman 'yung coat niya. Akala mo naman may gagawin pa kayong iba.





"I just need to give him something. Can you ask him if he can go here?" alanganin kong tanong.





If hindi, ayos lang naman. Next time na lang. Gusto ko lang naman na umalis na.





Nakaka-out of place suot ko. Puro mga nakaproffessional attire 'yung mga tao na andito. Tapos ako parang criminal.





Narinig ko kaseng sinabi niya kahapon sa asawa ni Mr. Dela Cruz na hindi na siya makakabisita kase may bago na daw siyang kaso. Case closed na 'yung kay Mr. Dela Cruz at nakulong na ang dapat makulong.





Boy Next Door || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon