twenty-four

28 6 9
                                    

"Hello Doc Kei. Please continue" nagulat ako nang makita si Shawn dito sa room.




I want to ask him kung bakit siya andito kaso naalala ko 'yung sinabi ng nurse kanina. Malamang, siya 'yung nakuhang attorney.





Keilah, be professional. Don't let your personal feelings stops you.





Inexplain ko na lahat kung anong nangyare kay Mr. Dela Cruz, 'yung pasyenteng kaka-opera ko lang kanina. Inexplain ko rin 'yung mga kailangang tests at treatments na gagawin sa kanya.





Nagulat ako nang mapaluhod sa sahig 'yung asawa niya. They can't afford that kind of money daw. And I feel bad. Dapat pala hindi ko na sinabi.





'Yung asawa lang daw niya kase 'yung nagtratrabaho. Wala daw kaseng natanggap sa kanya para sa permanent na trabaho kaya puro daw siya sideline. Dagdag pa daw na kailangan niyang magbantay sa mga anak nila.





Dito kase sila dinala sa private hospital kase 'di daw sila tinatanggap sa public at puno na. Kaya wala na silang choice kung hindi dito na lang. In a critical condition pa 'yung asawa niya.





"I'll help you sa ibang bayarin. Bayaran niyo na lang 'yung kaya niyong bayaran" napatingin ako kay Shawn na ngayon ay nasa tabi ko na pala. Kelan pa siya napunta dito?





Pero seryoso ba siya sa inoffer niya?! I mean, alam ba niya kung magkano lahat ng gagastusin?





"Salamat po, attorney. Gagawin ko po lahat para masuklian kabaitan niyo" naiiyak na sabi ng asawa.





Nagkaroon pa sila ng konting pag-uusap kaya sinabi kong uuna na ako. Pero napastay pa rin kase pag-usapan daw namin ni Shawn 'yung mga bayarin. Sa labas lang kami nag-usap para hindi marinig nung asawa.





Sinabi ko naman sa kanya 'yung estimated price ng mga gagawin. Pero hindi ko sinabi sa kanya na 'yon talaga 'yon. Depende rin kase siya sa magiging respond ng pasyente.





"Do you have plans?" napatingin ako kay Shawn nang hawakan niya ang pulsuhan ko.





Nagpaalam na kase ako na uuna na ako dahil may nakaschedule akong ooperahan pa pero hindi ko na sinabi sa kanya 'yon. Buti nga natapos agad namin 'yung usapan ng maaga aga.v






"May operation ako today. Aabutin ng ilang hours. Why?" umayos siya ng tayo sabay bitaw sa 'kin. Napa-ayos rin tuloy ako.





"Let's have a dinner after" sabi niya at tumalikod sa 'kin para umalis. Hindi man lang niya inantay sagot ko. Bahala siya dyan kapag nainip siya, 'di ko kasalanan.





Pumunta muna ako sa office ko at nagstay doon ng ilang minuto bago magsimula mag-opera. Medjo natagalan kami kaya hindi ko alam kung andito pa rin si Shawn.





"Doc Kei, tarang magdinner!" narinig kong sigaw ni Cyrus habang nasa hallway kaming dalawa. Ang lakas ng boses niya!





Huminto ako sa paglalakad ko at hinarap siya. Inalis ko din 'yung kamay ko sa bulsa ng robe ko para icrossarms.





Kakalabas ko lang kase ng operating room at malapit na ako sa office ko. Mag-aayos na nga ako kase out ko na. Kaso may magpapatagal pa sa 'kin.





"Ingay ingay mo. Nasa ospital pa tayo" bulong ko sa kanya pagkalapit niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Buti wala dito 'yung President kung hindi, yare.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now