sixteen

24 6 0
                                    

"Oh, Sirius!" tumayo 'yung tatay ko para salubungin ang kaibigan niya.





Napatingin ako sa likod ng kaibigan niya pero binalik din ang ang tingin sa menu. Nagkatinginan kase kami ni Shawn.



What a small world! Alam kong pupunta siya ng Korea dahil narinig ko kila Ate Denize pero hindi ko naman aakalain na magkikita kami. At kasama pa niya pamilya niya... at si Ate Kendra, syempre.





"Kei, may napili ka na?" napatingin ako kay Kuya Kio nang magtanong siya.





"Japchae akin, Kuya" sagot ni Kuya Kai kahit ako ang tinatanong. Epal, eh.





"Epal, hindi ikaw tinatanong ko" napangiti ako ng konti dahil sa naging sagot ni Kuya Kio. We're siblings after all.





Naghanap ako ng pwedeng orderin pero nahihirapan ako kase parang lahat gusto kong kainin. May chance pa naman siguro akong makain ang iba dito. Hindi naman kami isang araw lang, bawi na lang ako.





Nang makahanap na ako, tumingala ulit ako para tignan sila. Kaso para silang nag-uusap gamit mata nila. Hindi ko naman maintindihan!





"Uh, ano... Kuya, Jajangmyeon akin" sagot ko sa tanong niya kanina kaya napatingin sila sakin.





"Umagahan ang pinunta, bakit ayon ang pagkain?" napatingin ako sa nanay ko dahil sa naging sagot niya.





Gusto ko sanang sabihin na pwede naman 'yon ang mahalaga mabusog, kaso nagsalita si Kuya Kai.





"Mom, Kei can eat anything she want. Basta busog siya, 'di ba Kuya?" tumango si Kuya Kio bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kuya Kai.





"Fine. Fine" sagot ng nanay ko habang nakangiti. Pero agad ding nawala nang tumingin ako sa kanya.





"Kilala niyo na naman siguro siya, ano?" napatingin ako kay Dad kase feeling ko kami ang tinatanong niya. Tumingin ako sa kaibigan niya bago tumango.





"Sino nga pala 'yung kasama niyong babae?" mahinahon na tanong ng nanay ko. Dahil don, tumungo na lang ako at nagphone.



"Ah, si Kendra. Fiancee ni Shawn" rinig kong saad ng nanay niya. Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi. Pilit ko ring finofocus ang sarili ko sa laro.





Tahimik lang ako at hindi mapakali kahit nagphophone na lang ako. Rinig ko ang pinag-uusapan nila pero pinipilit kong hindi intindihin 'yon. Alam kong gusto akong kausapin nina Kuya pero hindi lang nila alam kung paano.





"Cr lang ako" pagsisinungaling ko sabay tayo. Iniwan ko ang phone ko sa inuupuan ko kanina. Hindi ko kase feel na dalhin 'yon.





Lumabas ako sa room naino-occupy namin at nagsuot ng sapatos, pinahubad kase sa 'min kanina. Nang matapos, naglakad na ako paalis pero hindi ko alam kung saan ako pupunta dito.





Gusto ko nga sanang pasukin ang bawat kwarto para makita kung may pagkakaiba ba sa loob kaso nahihiya ako kase baka may tao. Tapos korean pa. Grabe, iniisip ko pa lang, nahihiya na ako.





"Kei!" tumigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa likod ko nang may tumawag sa pangalan ko. Pero tumalikod ulit ako nang macomfirm ko na siya nga.





"Wait! Please talk to me" tinignan ko ulit siya ng may pilit na ngiti sa labi. Wala naman talaga akong balak lingunin ulit siya. Hinawakan lang kase niya pulsuhan ko.





Boy Next Door || ✓Where stories live. Discover now