KABANATA 10

6.9K 490 87
                                    

Labangan





Masaya ang puso ko dahil doon. Sinusundo ni Frosto sa skwelahan tuwing hapon. Minsan, sinasama na namin sila Ating at Bandok sa tuwing madadaanan namin sa daan.

Kahit pala sa pisikal na anyo ng isang tao ay hindi mo doon makikita kung ano siya talaga. Si Frotos, aakalain mo talagang masamang tao. Ngunit hindi naman pala.

Kung tatanungin ako kung sino ang pinaka guwapong lalaking nakita at nakilala ko ay si Frotos na talaga iyon.

Kahit matanda siya ng ilang taon sakin ay nagagwapuhan ako sa kanya.

Nasa 28 years old na yata siya sa pagkakatanda ko.

"Sol! Natapos mo na ba yang inutos ko sayo hija?" si lola habang kakatapos lang nang pagluto niya nang bibingka at iba pang kakaning ibebenta namin.

"Opo. Nahugasan ko na po itong cooler lola. Lalagyan ko na lang to mamaya ng ice kapag nandoon na tayo. Ngayon po ilalagay ko na sa loob ang mga softdrinks at mineral water na nahugasan ko."

"Hay mabuti naman apo. Buong araw na yata tayong nagluluto ng ititinda natin mamaya. Sayang rin kasi ang kikitain natin lalo na at wala nang trabaho ang lolo mo."

Hanggang ngayon pala isipan pa rin sakin kung bakit tinanggal si lolo nang mga Septimo e matagal na siyang nagtatrabaho doon.

"Nasaan nga pala lola si lolo?" tanong ko kay lola matapos kong maayos ang mga laman ng cooler.

Ang bigat nito!

"Nagtitinda ng gulay. Hay. Umuubo yun pero nagtinda pa rin. Mamaya nandito na iyon. Mag gagabi na e."

"Oo nga la. Magpahinga na po kayo at ako na dito. Tsaka susunduin ko mamaya si lolo."

"Hay Sol. Payat payat mo na sa sobrang sipag mong bata ka. Absent kapa ngayon dahil tutulungan mo ako."

"Wala yun la. Babawi naman ako sa exams at mamaya baka nandoon mga kaklase ko sa Labangan at maraming bibili sa atin."

Ang alam ko..ang ipon nila lolo ang ginawang kapital ni lola kaya nagpursigi talaga akong tulungan si lola.

Huminga siya ng malalim. Alam kong nalulungkot siya lalo na sa sinabi ko kanina na hindi ko na tinuloy ang pagsali ko sa paligsahan ng pagkanta dahil sa mas gusto kong tumulong na lang sa kanya sa pag tinda. Maiintindihan naman ako ni Ma'am Cora.


"Sayang rin yung pag kanta mo. Alam kong gusto mong sumali sa mga ganon hija.."

"Wala iyon La. Tsaka uunahin ko pa na iyon kaysa sainyo?"

Nagbiruan kami ni lola. Handa na ang aming mga dadalhin bago mag gabi at kailangan ko pang sunduin si lolo kina lola Thelma.

Alas kwatro na nang hapon nang sunduin ko si lolo sa tindahan ni lola Thelma. Konti na lang ang natirang gulay kaya napangiti ako.

"Sol! Binigyan ko ng gulay si lolo at kinita namin." si Lola Thelma.

"Sol..nag abala kapa." si lolo na pawisan at inuubo na naman kaya binigyan ko siya ng panyo para sa kanyang likod.

"Maraming salamat la Thelma sa mga gulay po.  Lo,inuubo ka na naman tuloy." sabay himas ko likod ni lolo.

"Mabuti pa at mauna na kayo ng lolo mo Soledad. Diba magtitinda pa kayo mamayang gabi sa Labangan ni lola mo? Tignan ko kung makakapunta rin ako sa piyesta."

Ngumiti ako kay lola Thelma habang kinukuha ni lolo ang mga binigay ni lola Thelma na mga gulay.

Naniniwala talaga ako na hindi basehan ang hirap sa buhay para makakain. Kung nagpupursigi ka makakakain ka ng gusto mo, makakabili ka ng gusto mo.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon