Kabanata 31

4.7K 378 44
                                    

Nangibang bansa na si Jenessa. Maraming nag bago sa lumipas na isang linggo. Hindi ako kailanman masasanay sa buhay na meron ako ngayon sa mansyon ng mga Septimo.

Abot tanaw ko lang ang lupain ng mga mangyan ngunit hanggang doon nalang. Bawal akong pumunta doon. Bawal rin akong makipag usap sa kanila. Si lola Donita ay doon muna pansamantala kina lola para may kasama siya.

Labis ang lungkot at iyak ni lola sa aking desisyon. Wala rin akong cellphone. Iniwan ko iyon kay lola dahil bawal rin iyon dito.

Ang maganda lang ay pumapasok parin ako sa huling linggo ng eskwela. Ngayon ang huling araw. Tapos narin ako sa mga projects at papirma sa mga teachers namin.

Excited na ako mag kolehiyo.

"Makikilala mo na ang mapapangasawa mo Soledad sa iilang araw. Mabuti na rin at graduate kana."
Si Max habang kumakain kami isang umaga sa kanilang hapag kainan.

Punong puno ng pagkain ang mahabang mesa at andito rin si Don Septimo.

Hindi ako umimik ngunit nakaramdam ako ng lungkot at takot. Maging dito sa mansyon nila ay parang hindi ko yata maappreciate ang kagandahan nitong loob. Maging ang iilang katulong ay mataray sa akin.

"Iyong hiling ko lang po sana na maayos si lola at napapagamot po. May mga gamot rin siyang dapat inumin-"

"Hindi mo na dapat inaalala ang mga ganyang bagay hija. Pero sa ikakatahimik mo ay tutuparin ko lahat ng gusto mo." si Don Septimo at ngumiti sa akin.

Tumindig ang balahibo ko sa mga ngiti niya. Iniisip ko palang na sa isang sulok dito sa mansyon ay ang lugar kung saan nila ginahasa ang mama ko ay natatakot ako at nagagalit. Iniisip ko palang na ang ama at lolo ko na kasama ko dito ay ang siyang gumahasa sa mama ko ay nanginginig ako sa takot.

"You have a dark circles on your eyes Soledad. Hindi kaba makatulog kung gabi?" tanong ni Max.

Tinitigan ko ang pagkain na masarap sa aking harapan.

"Hindi ako makatulog ng mabuti."

Natahimik silang dalawa at nagkatinginan. Tila ba ang mansyon na ito ay may mga nakaraang hindi maganda. Parang ang ganda nito ay mula sa masamang bagay.

Mas gusto ko na sa eskwelahan, nga lang wala na kaming ginagawa. Ang iba nagpapapirma nalang at ang iba bale bonding nalang sa mga kaklase.

Para na rin makawala ako sa pagiging malungkot ay pumupunta ako ng eskwelahan. Ngayon may naghahatid sa akin. Usap usapan na sa aming lugar na anak ako ng isang Septimo.

Kaya may mga nakasalamuha na akong mga kaklase ko na mailap sakin noon pero hindi naman ako inaaway.


Hindi ako nakauniporme. May mga damit akong binili nila Max. Kasyang kasya ito sakin. Naka T-shirt ako at pantalon. May dala akong shoulder bag para sa mga iba kong' gamit.

"Nasaan na iyong cellphone mo? Mamahalin yun di'ba?" si Lexi. Isa siyang maarte kong' kaklase na kaibigan ni Jenessa. Ngayon, palagi ko na siyang nakakasama.


Yung mga nasa circle of friend noon ni Jenessa ay nakikipagkaibigan na ang iba sakin. Nakakalungkot nga kasi kung kailan pa patapos na ang batch namin sa high school, tsaka rin sila naging mabait sakin.

"Naka'y lola. Bibili rin ako kapag mag college na. Iaadd ko kayo sa facebook." sabi ko.

"Sure! Kung sa Manila ka magka college mas maganda kasi doon ako. May bahay kami doon!"

"Sige!"

Kumakain kami ng sandwich habang ang uusap sa gilid ang iba. Natahimik ako at dinamdam ang pighati ng dibdib ko.

Namimis ko na ng sobra si Frosto. Hindi ako pinatulog ng aming huling pagkikita. Ayaw niyang makipag hiwalay sa akin.

Ayaw ko rin naman. Mahal na mahal ko siya. Kung hindi lang sana ganito. Iyong walang mahihirapan na kahit sino ay wala akong bibitawan na tao.


Minasdan ko ang paligid ng eskwelahan. Mamimiss ko ang high school life. Iyong sobrang hirap, minsan bagsak sa mga quiz pero pagkatapos nun ay ang saya parin.


Pahapon na at palabas na kami ni Rex sa school. Buti nalang kakilala ng mga Septimo ang pamilya ni Rex. Napag usapan rin namin ni Rex ang tungkol sa mga nangyari.

"Kamusta na sila lola sa baryo?" malungkot kong' tanong. Palabas na kami ng eskwelahan. Nilingon kong' muli aming eskwelahan.

Nalulungkot akong iwan ang lugar na ito.

"Maayos naman sila Sol." hinimas ni Rex ang buhok ko kaya ngumiti ako sa kanya.

"Huwag mo na silang isipin pa. Mas nag aalala ako sayo sa mansyon ng mga Septimo e. Bihira nalang kasi kami diyan makapasok. Pero magkikita naman tayo di'ba? Sa Manila kana rin ba mag aaral ng college?"

Ngumiti ulit ako kay Rex at tumingin sa daan. Nasa gilid kami ng daan pauwi. Minsan nakikita ako ng nga kapwa ko mangyan pero hindi nila ako nilalapitan.

Alam kong' bawal.

"Hindi ko pa alam Rex-" natigil ako at nanlaki ang mga mata ng makita ang bumaba sa sasakyan ,sa gilid namin.


Kitang kita ko ang pagsara ni Frosto ng kanyang sasakyan at ang pagmamadali niyang makalapit sa amin. Hindi ko alam kung bakit siya galit na lumapit sa akin. Ang alam ko lang....nagulat ako na makita siya ng biglaan.

Pareho kaming natigilan ni Rex na makita siya.

"F-F-Frosto-"

Bigla niyang hinaklit sa damit si Rex!

Napatili ako sa ka brutalan na ginawa niya!

"Lumayo...ka." nanggigigil ang pagkakasabi niya. Nakita ko kung paano nanginig si Rex at tinitigan ako.

"H-Hindi kita inaa-ano ah!" sagot ni Rex.

Mabilis na umambang susuntukin niya si Rex at doon na ako humawak sa kanyang kamay.

"Huwag! H-huwag Frosto. A-Anong nangyayari sayo?"

Napalunok ako ng titigan niya ako. May nagbago sa kanya at hindi ko iyon ma kumpirma kung ano.



"Mag usap tayo Sol."binalingan niya ako, ngayon, punong puno ng pagmamakaawa.

Umawang ang labi ko at naalala ang habilin sakin ng mga Septimo.

"H-Hindi puwede Frosto. Pasensiya na." mahinang bulong ko. Lumapit sakin si Rex ngunit hindi niya ako hinawakan.


Tinitigan siya ni Frosto na tila ba handa na naman siyang suntukin.

Pumikit si Frosto at marahas na hinawakan ang buhok niya.

"Kung ayaw mo akong makausap pero sana wag mo akong saktan ng ganito! Araw araw kitang minamasdan sa malayo Sol! Ano ito? Hihiwalayan mo ako dahil utos sayo? E kung suntukin ko ang mga Septimong iyon-"

"Frost!" nanlaki ang aking mga mata at tumaas ang boses. Hindi dahil na ayaw kong pagsalitaan niya ng ganon sila Max kundi dahil ayokong maging masama siya.

Nanlaki rin ang mga mata niya tila hindi makapaniwala sakin.

"Hindi mo maintindihan! Oo, sunod sunoran ako. P-Pero ng sinabi k-ko na tapos na tayo , tapos na tayo. Ipapakasal na ako sa iba at wala tayong magagawa doon!"


Nawalan ng emosyon ang mga titig niya sakin at mas lalo akong nasaktan. Dumaloy ang aking luha.

Umatras siya ng dalawang beses, nanghihina.

"Kung anuman ang meron sila ay walang wala iyon sa mayron ako Sol. You'll...see. You'll see what I can do." banta niya sakin bago tumalikod. Sinapo ko ang dibdib ko. Gusto kong umiyak ng lubos!





Unang Halik Where stories live. Discover now