KABANATA 8

6.4K 784 426
                                    

Umiwas


Katulad ng normal na mag aaral ay maayos naman ang aking araw puwera nalang sa kumosyon kanina ni Jenessa.

Kung hindi niya binuhusan ang paa ng lalaki at hinagis sa banda ko ang upuan baka hindi ko iyon makukuha sa lalaking kaklase na walang balak naman na ibigay sakin.

Himala nga na ang akala kong basang upuan ay hindi pala basa. Ang paa ng lalaking kaklase ko ang basa!



Alas nang hapon natapos ang aming unang araw sa klase. Masaya ako dahil may dala akong dalawang libo. Naisipan kong bumili ng bigas at ulam namin sa daan mamaya.


May mga kasabayan ako sa paglakad. Hindi man nila ako kinakausap dahil nga, hindi naman talaga ako pansinin. Nakasunod lang ako sa kanila at tinititigan ang mga ginagawa nila.

Malayong malayo ang ganda ng kanilang bag at suot kaysa sakin. Naiinggit ako pero marunong akong umintindi ng sitwasyon at makuntento. Sapagka't tinatatak ko nalang sa isip ko na magpursigi sa pag aaral para magkaroon rin ako niyan balang araw.


Nakita kong may linabas ang babaeng nasa kanan na isang liptint.

Tumawa silang dalawa.

"Binili ko to kahapon kasi alam kong maraming guwapo sa seniors."

"Ito ang sakin. Mas maganda itong kulay pula."

"Patingin! Oh, wait. Itatapon ko na itong luma ko."

Nakita kong tinapon ng babaeng nasa kanan ang isang liptint at dumapo iyon sa damuhan. Huminto ako sa paglalakad at matagal na tinitigan ang liptint na iyon.

Nilapitan ko iyon at pinulot.

"Sayang naman to. Bago pa naman at maraming laman. Bakit tinapon?"

Ngumiti ako at nilagay iyon sa aking bulsa. Huminto ako sa isang sari sari store para makabili ng bigas at ulam.



"Anong ulam ba ito? Pakibilisan! Marami pang nag aantay sa likuran mo! Letseng mangyan to. Dito dito pa bumibili!"

"Y-Yung dinuguan po. Tatlong balot po."

"Oh ayan! Alis na!"

Kinuha ko iyon ng mabilisan nang maibigay ko ang bayad sa tindera.

Huminga ako ng malalim ng makitang pinagtatawanan ako ng trabahanteng nag aantay na makabili sa likuran ko kanina. Ngayon ang tindera ay malapad ang ngiti sa kanila.

Nangingilid ang aking luha. Ilang taon narin namang ganito. Pero hindi talaga ako nasasanay lalo na't alam kong maayos naman ang aking pakikitungo sa kanila at susuklian nila ako ng karahasan.


"Sol!" narinig ko ang isang traysikel na huminto. Lumabas doon si Rex!

"Rex! Ikaw pala!"

"Halika! Sabay na tayo." anyaya niya sakin. Ilang beses niya narin nagawa ito noon sakin kapag nakikita sa daan.


Pumasok ako sa traysikel bago rin siya pumasok.

"Sayang hindi tayo magkaklase. Tinawag kita kanina pero hindi moko narinig."

"Aw. Hindi ko alam!" ngumuso ako pero kanya akong piningot sa ilong.

"Akala ko galit ka sakin dahil hindi kita sinundo!"

Nakangiwi parin ako mula sa pagkakapingot niya sa ilong ko. Nagpingutan kami sa loob ng traysikel hanggang sa namalayan ko nalang na nasa malaking puno na kami, sa gilid ng palayan ng aming baryo.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon