KABANATA 16

5.6K 415 77
                                    

"Soledad!"

"Lola?" napatingin ako kay lola. Nagmamadali siyang lumapit sa akin.

"May magandang balita! Alam mo ba na ipapamigay 'raw dito sa atin ang lupang kinatitirikan ng ating mga bahay?! At... hindi na laging makikipagtalo pa lagi ang lolo mo Sol!"

Napangisi ako dahil unti unting tinupad ni Frosto ang mga nasabi niya sa akin noong kailan. Sa tono ng boses niya ay hindi niya ginusto na sabihin iyon sa akin.

"Mabuti naman la! Magandang balita iyan!"

Nakita ko na nasa labas si lolo sa ilalim ng malaking puno at nakikitipon sa mga ka tribo namin.

Napangiti ako ng makita ang ngiti sa mga labi ng aming mga kapitbahay. Mula noong bata pa ako ay namulatan ko kung gaano ka simple ang pamumuhay ng mga mangyan. Halos kalahati dito sa amin ay namamalimos sa daan para mabuhay. Ang iba ay naghahanap buhay.

Ang aking pangarap talaga ay maging modelo ,at gawing ehemplo ang aming tribo. Na wala sa anumang lahi ang kabutihan at pagmamahalan. Hinding hindi ko ikakahiya ang aking pinagmulan dahil ako mismo ang saksi na mas maganda pa ang maging mahirap pero nagsisikap kumpara sa maging mayaman na gahaman.

"Sol! Kanina kapa natutulala diyan ah!"

Napapitlag ako sa kurot ni lola. Napangiwi pa ako.

"La! Ang sakit!"

"Sus. Kunwari kapa. Siguro iniisip mo na naman si Frotos no? Nagkausap na ba kayo nun?"

"Opo la." umupo ako sa kahoy namin na upuan. Nilapagan agad ako ni lola ng itlog at kamoteng kahoy. Kapag wala kaming bigas, kamoteng kahoy ang aming kinakain madalas.

Nanlaki ang mga mata ni lola. Tila hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko. Kinuwento ko sa kanya ang mga pinag usapan namin ni Frosto. Base rin sa tono ni Frosto noong kailan ay ayaw niya talagang sabihin iyon sakin. Alam kong' napipilitan lang siya.

"Ex niya pala ang babaeng iyon."

Sa dinami dami ng sinabi ko ay iyon ang napuna ni lola.

"Mabuting tao naman pala Sol e. Hmm.. Crush mo siya di'ba?"

Uminit ng husto ang pisngi ko. "Ilang beses ka na ngang hinatid sundo hindi ba?"

"H-Hindi pa naman ako magkakaboyfriend la. Tsaka mag aaral muna akong mabuti. Alam mo La, kung iipunin ko ang sweldo ko sa pagiging janitres ng school makakabili na tayo ng mga bagong damit!"

Ayaw talaga ni lola na mag trabaho ako sa eskwelahan lalo na at kadalasan ay ginagabi ako. May iilan namang' studyante na nagpapart time rin kaya hindi naman ako takot umuwi.

Dahil nga sabado ay naglaba ako sa bahay. May mga ingay ako na naririnig sa labas hanggang sa tinawag ako ni lola.

"Sol!"

"La? Sandali nalang ito."

Piniga ko ng mabuti ang mga damit at nilagay sa balde. Inayos ko ng mabuti ang aking buhok ng makaramdam ng pagod. Tiningala ko ang kalangitan at napangiti ng makita ang malaking agila na malayang lumilipad.

"Sol! Mamaya na iyan! Lumabas ka na dali!"

Nilingon ko si lola at pinagpagan ang sarili.

"Bakit la? Anong meron?"

"Halika dali!!"

Hinila ako palabas ni lola at nakita ko agad ang maraming nakapila na mga kapitbahay. Nasa pinakahuli kaming dalawa ni lola!

Teka, anong meron?

"Nandoon ang crush mo!"sabay turo ni lola sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko na makita si Frosto na namimigay ng tig dalawang sakong bigas at mga iba't ibang grocery sa amin!

Hindi pa ako nahuhupa sa nakita ng may kumalabit kay lola.

"Mare, tatakbo bang' mayor yang si pogi? Bakit may ayuda?"

"Bakit? Botante kaba dito?" namaywang si lola.

"Hindi. Hindi pa nga ako nakarehistro e."

"Pareho tayo pala." si lola sabay kamot sa ulo.

Umiling ako at binalikan ng titig si Frosto. Halos magpilahan at tulakan ang mga nanay at dalaga sa harapan para mabigyan ng bigas. Marami ring’ mga bata na nabibigyan ng pagkain na naka styro. Halos umiyak ang mga kapwa ko mangyan dahil sa grasyang dumating. Ramdam ko ang hinaing nila dahil ako, masaya rin. Parang isang taon na naming kakainin yung bigas.

Halos luhuran si Frosto ng mga kapwa ko. Pinunasa ko ang luha sa gilid ng aking mga mata na unti unting lumalabas.

Napapapalakpak ako sa tuwing nabibigyan ang mga matatanda ng bigas at groceries. Nakikita ko kasi ang sobrang kasiyahan sa kanilang mga mukha.

Nalulugod ako ng husto para sa kanila.

"Ikaw na ang pumila ng para sa atin ha! Alam ko naman na-"

"La!" saway ko kay lola at tinitigan si Frosto na sobrang lapit na. Kasi nasa ikalawang banda na ako ng nakapila.

Nakita ko kung paano niya ako tinitigan at ngumiti ng tipid habang binibigay ang mga groceries sa nakapila sa unahan ko. Kinabahan ako ng sobra. Ang suot niyang damit ay kulay gray  at ang pantalon ay itim.

Tila isang mandirigma ang kanyang katawan kung titigan. Ang tangkad rin niya. Umalis ang nasa aking harapan at ngayon ay ako naman..

Napawi ang ngiti ko ng makita ang agwat ng aming pamumuhay, at antas. Ang layo layo niya. Paano niya ako nagustuhan? Seryoso nga ba siya?

Hindi ko alam. Wala akong karanasan sa kahit ano.

"How's your day?"

Napukaw ako sa kanyang tanong.

"Mabuti naman. Naglalaba ako pero nandito ka pala. Maraming salamat."

Inantay ko na ibigay niya sa akin ang mga groceries pero hindi iyon dumating. Ngayon ko natanto na ako pala ang pinakahuli sa linya.

May tinawag siyang tao at iyon na ang mga bumuhat para sa akin. Maging ng dalawang sakong bigas ay diniretso sa bahay. Pumalakpak naman si lola at nag thumbs up sakin.

"Maraming salamat." ulit ko at binalikan siya ng tingin.

Heto na naman ang titig niya. Parang laging namamangha sakin.

Kitang kita ko ang mga nakangiti na mga katribo ko sa amin ni Frosto. Lumakad kami patungo sa palayan. Tila alam na alam ng diwa ko na mag uusap kaming dalawa. Ni hindi pa ako nag aayos.

"Mawawala ako ng ilang araw."

Napatingala ako sa kanya sa gulat. Hindi na dapat ako magtaka pa. Alam ko sa kalibre niya ay busy talaga siyang tao.

"Hmm..sige."

"May pupuntahan akong kasal."

"Kaninong kasal?" inihip ng malakas na hangin ang buhok ko. Hinawakan niya ang dulo nun at hinaplos. Umawang ang labi ko.

"Sa kambal ko. Wanna come?"

Napamulagat ako sa tuwa. Ngumisi ako lalo ng matanto na may kambal pala siya!

"T-Talaga? Hindi pa ako nakakasakay ng barko!"

"We'll use my private plane." may konting ngisi sa labi niya.

"H-Huh? Sarili mong eroplano?"

"Uhuh."

"Wow! Sige sasama ako!" ang saya saya ko.

Sa huli kinagat niya ang labi at tila may kung anong problema. Tumingala siya at napamura.

"Goodness. Kaya ko pa ito..Magtiis ka Frost..."

Huh? Kinakausap niya sarili niya?

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon