KABANATA 12

5.4K 424 65
                                    

 Kiss


  Hindi ‘raw tatantanan ni Frosto ang labi ko kung kami na? Paano kaya kung kami na? Ano iyong feeling ng hinahalikan?

   Kinagat  ko ang labi habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin ko na maliit. Namumula ako ng husto sa aking iniisip.

  Naman kasi. Si Frosto ay sadya namang makisig ang pangangatawan at napaka guwapo. Siya na talaga yata ang nakita ko na napakagwapong lalaki.

  “Sol! Anong  oras ka papasok sa eskwelahan?” tanong ni lola. Sa hapon ako papasok lalo na at medyo kulang pa kami sa tulog dahil sa pagtinda kagabi.

  “Mga alas dose la. Lulutuan ko lang kayo ni lolo bago ako aalis."

Nilapag ni lola ang mga nilabhan niya. Nakita ko na sinampay niya sa likuran ng bahay kubo namin ang mga iyon kung nasaan ang mga gulayan ni lolo.

"Sol!"

"Po?" nilapag ko ang kahoy ng makita kong umaapoy na ang mga ito. Inayos ko rin ang pagkakalagay ko ng kaldero sa apoy.

"Itong mga damit mo masyado nang luma ano? Gusto mo bang bumili ng bago?"

Ngumiti ako kay lola. "Gusto ko la pero tsaka na kapag marami na tayong pera nila lolo."

"Malaki ang kinita ko kagabi. Ni hindi ka nga humingi sa akin! Bibigyan kita mamaya. Bumili ka ng mga gusto mo at kailangan mo na talagang mag ayos dahil ang guwapo ng manliligaw mo." panunudyo niya sa akin.

"Lola naman."

"Sus! Kunwari ka pa! Namumula ka nga kapag magkasama kayong dalawa! Parang kami lang ni lolo mo noon pero ang laki ng age gap niyo ni Frosto."

Natahimik ako dahil totoo iyon. Malaki nga ang agwat ng edad namin. Hindi ko rin alam kung ano ang tingin sa akin ng mga tao kapag naging kami. Pero para sa akin ay wala naman iyon.

Bakit ba puro nalang si Frosto ang laman ng isip ko?

Nandoon na naman pala si lolo kay lola Thelma. Ang mga gulay kasi ni lolo kapag puwede nang’ itinda ay hinaharvest niya at tinitinda na rin. Wala na nga talaga kaming pagkakakitaan na malaki laki ngayon.

Napalunok ako dahil sa takot na baka wala kaming gagamitin kapag magkasakit sila lolo o si lola. Kaya ko naman maging working student.

Total ilang buwan nalang magka college na ako. Kailangan ko talagang mag ipon.

Pang hapon na klase na ako pumasok. Nilutuan ko muna sila lolo at lola bago ako umalis. Sinigurado ko rin na nandoon si lolo sa bahay. Nilakad ko lang papuntang school namin.

Nasa kalagitnaan na ako ng kalsada at namamawis dahil sa init. Ang kinain ko parang natunaw na. Sinapo ko ang aking tiyan ng umingay iyon.

"Hay. Kakakain ko lang e."

Nabigla ako ng may bumusina na sasakyan sa aking gilid. Ngumiti ako dahil sa bigla at hinigpitan ang hawak sa aking bag.

Binaba ni Frosto ang bintana ng kanyang sasakyan.

Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko kapag nandiyan siya.


Bumaba siya at halos gusto ko na mahimatay. Binuksan niya ang kabilang pintuan ng kanyang sasakyan at minuwestra iyon.

Nakuha ko agad ang gusto niya. Ang kisig niya sa suot na puting T-Shirt at pantalon.


Lumapit ako at tiningala siya.

"Galing ako sa bahay niyo. Sabi ko sayo hahatid kita palagi." aniya. Namula ng husto ang aking pisngi.

"Uh, hindi ko naman kasi alam na susunduin mo ako kasi hindi ako nakapasok kanina."

Tumango siya. "Alam ko kasi na puyat ka. Come on. You look so thin. Kumain muna tayo." kanyang anyaya sakin. Ngumisi ako at tumango. Nakita kong’ kinagat niya ang labi bago sinara ang pintuan ng makapasok ako.



"Sa Jolibee ba tayo?" tanong ko agad sa kanya. Na eexcite sa mga mangyayari at pagkain sa Jolibee. "Grabe! Gustong gusto ko talaga doon ang fried chicken nila. Pero isang beses lang ako nakakain nun’.

Nangunot ang noo niya at malamlam akong tinitigan.

"Alright. Kakain tayo doon ngayon. Kahit ilang piraso pa gusto mo. Bukas, saan mo naman gusto kumain?"

Mas lalo akong naging masaya. First time may nag ganito sakin bukod kina lolo at lola. Ang sarap pala sa pakiramdam dahil noon puro pang iinsulto at pandidiri ang mga natatamasa naming’ mga mangyan.


Maraming nakatingin sa amin pagpasok sa Jolibee. Ang iba parang nadikit na ang titig kay Frosto. Ngumuso ako dahil ganon’ rin ako minsan. Ang guwapo naman talaga kasi.

Nakapila na kami ngayon ng lingunin niya ako at hawakan ang baywang.

“Fried chicken gusto mo di'ba? Ano pa? You choose.” aniya. Mas nilapit pa ako sa kanya.

Tumango ako at tinuro ang ibang gusto ko. Ang cashier, ang ngiti niya ay napalitan ng ngiwi at matalim akong tinitigan.

Nang sabihin ni Frosto ang mga tinuro ko ay ngumiti ang cashier.

"Uhm.Yes, sir." aniya sa isang boses na hindi ko gusto. “Ka ano ano niyo po ang babaeng iyan? Mangyan po sila dito sa aming lugar. Taga Manila po kayo?"

Nagtiim-baga naman si Frosto at namulsa. "Yes. Taga Manila ako pero nandito ako para ligawan itong babaeng kasama ko.”

Hindi na ako tumingin pa sa babaeng cashier dahil sa nararamdaman kong’ kahihiyan.


Sabay kaming’ umupo ni Frosto sa pang dalawahang mesa at nakatitig na siya agad sakin.

"Eat now. Ano pa ang mga gusto mo?"

Ngumuso ako at hinawakan ang fried chicken. “Wala naman na. Ito lang talaga. Kapag busog ako ay ayos na ako. Hindi ako mahilig sa mga materyal na bagay kasi. Naaawa ka ba sakin?"

Kinagat niya ang labi at hinawakan ang baba ko.

"Simula ngayon lahat ng gusto mo bibilhin natin. Okay? Wag’ mong isipin na dahil naaawa ako sayo. Kundi dahil gustong gusto kita at tutulungan kita sa lahat.”


Ang tamis na yata ng ngiti ko. "S-Salamat ng marami Frosto. Salamat kasi nakilala kita.”

Nang mga oras na iyon ay halos nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako. 

Magana ako nang papunta na kami sa eskwelahan. Busog na busog ako. Cool na cool lang naman si Frosto habang nagmamaneho.

Kung ganito siya lagi ay hahanap hanapin ko talaga.

"Salamat talaga sa lahat Frosto. Hayaan mo. Sabihin mo lang lahat ng gusto mo na gawin ko at gagawin ko para lang maibalik ko lahat ng kabutihan mo sakin." biglang namutawi ko at saktong nasa harapan na kami ng eskwelahan.

Madilim siyang nakatitig sakin at nilapitan ako ng sinabi ko iyon sa kanya.



Pumikit siya ng mariin na ikinalunok ko.


"Puwede tayong mag-date mamayang gabi." anas niya.


Napaisip ako at tumingin sa kanya. Ang init init na ng mukha ko.

"P-Puwede naman."


"May I kiss you tonight? Just a .. kiss."


Gusto kong maiyak sa harapan niya sa iba't ibang emosyon. Ito na 'yung iniisip ko kaninang umaga. Mas lalong tumagal ang titigan naming’ dalawa.


Hinawakan niya ang aking pisngi at marahan na hinalikan ang gilid ng aking labi. Nanlaki ang aking mga mata at humigpit ang hawak sa kanyang braso.

Unang Halik Where stories live. Discover now