KABANATA 3

7.4K 531 116
                                    

Frotos





Sinamahan ko si lola ngayon para maglaba sa bahay nila lola Donita, ang kapatid nito.

Kahit matanda na si lola ay kaya niyang maglaba. Minsan, tinutulungan ko siya kapag wala akong ginagawa.

"Di'ba Sol tutulungan mo pa si  Thelma sa pagtitinda ng gulay?"

Tinatahak namin ngayon ang daan patungo sa bahay nila lola Donita. Ngumiti ako kay lola at inalalayan siya sa mataas na lupa para makaakyat kami sa highway.

"Alas sais palang la, mamayang alas diyes po punta na ako doon kaya tutulungan kita para mabilis!"

"Hay Sol. Ako sayo, tularan mo ang ibang bata diyan! Maglaro ka, mag enjoy ka sa buhay kasi bata kapa diyesi sais ka palang para magbanat ng buto.Kaya na namin to ng lolo mo."

Marami nang sasakyan na dumadaan at kailangan pa naming tumawid sa kabila patungo sa bahay nila lola Donita.

"La...alam mo naman na masaya naman ako sa mga bata sa baryo natin at mailap ang mga kaklase ko mula pa noon di'ba? Ayaw nila sakin dahil maitim ako at pangit ang buhok ko..."

"Hmp! Inggit lang iyon hiija! Ang ganda mo kaya! Manang mana ka sa ina mo. Kung hindi lang iyon nagahasa ng matapos kang ipanganak mabuti sana ngayon ang buhay mo. Ang gandang babae rin kasi ni Marimar mana sakin kaya marami ring naghahangad sa anak kong iyon. Kahit boss niya, baliw na baliw sa kanya. Malungkot ako at hindi namin nabigyang hustisya ang pagkamatay niya."

Hindi iyon lihim sakin. Bata palang ako ay sinasabi na iyon nila lola at lolo sakin.

Patuloy lang kami sa pag uusap ni lola hanggang sa makarating kami sa kanyang nakakabatang kapatid.

"Mabuti at dumating kana Tata. Di'ba sabi ko tuwing hapon ng biyernes ka dito pumunta? Sabado na Tata! Ayan, maraming labahin at mabuting andiyan si Sol para tulungan ka dahil marami-rami ang mga 'yan."



Hindi na nag aksaya pa si lola ng oras at nagsimula na siyang maglaba. Kahit na may washing ay alam ko na mahihirapan siya. Noon pa man ay sinasabi na ni Lola Donita na may maglalaba naman para sa kanya pero gusto ni lola na siya nalang para magkapera naman siya.

Minsan, hindi ko rin gusto ang tono ni Lola Donita kay Lola pero tinitiis nalang namin dahil hindi naman siya ganoon ka suplada.


Ang mga malalaking comforter ay nasa loob ng washing at puro pa iyon kulay puti kaya iyon ang pinagtuonan ko ng pansin habang si lola ay nagmano mano ng mga de kolor na damit.

"Sol!" tawag niya sakin.


"Po? Bakit la?" nilapitan ko siya. Hinila niya naman ako.

"Nagbubuhat ka! Di'ba sabi ko sayo bawal 'yan sa mga may dalaw? Tsaka, maayos ba paglagay mo ng pansapin sa panty mo?"


Tumango tango naman ako.

"Opo la. Medyo hindi lang sanay la." ngumiwi pa'ko ng naramdaman ang bagay na iyon sa panty ko.


"Hay! Dalagang dalaga kana talaga Sol! Sa susunod magboboyfriend-"


"La! Ayoko nga!"


"Hmmm...hindi ako sigurado diyan Sol. Ngayon palang, ang ganda ganda mo na! Ano pa sa mga susunod na taon? Aba pwede ka nang pambatong Miss Universe!"


Tumawa ako. Sino ba naman ang hindi gustong maging Miss Universe?


Marami kaming nailabhan ni lola at  nagsasampay nalang kami.

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon