Chapter 56

6.3K 275 55
                                    

Mahimbing ang aking tulog. Pakiramdam ko,iyon na ang pinakamasarap na tulog ko. Hindi ko alam kung bakit.

Maganda rin ang aking panaginip. Ang aking mahimbing na pagtulog ay nagwakas ng masilaw. Nang unti-unti akong dumilat ay nakita ko na hinawi ni lola ang kurtina sa aking kwarto. Namalayan ko nalang na wala na si Frosto sa tabi ko.

"Magandang umaga lola." bati ko kay lola. Ngumiti siya sa akin at nakita ko ang mumunting luha sa gilid ng mga mata niya. Nag-sink in sa akin ang mga nangyari kagabi.

Maaari na sinabi sa kanya ni Frosto.

Kinagat ko ang aking labi at umupo sa aking tabi si lola. Hinawakan niya ang aking kamay at bumuhos ang aking luha.

"L-Lola...Mahal na mahal ko si Frosto." Tuluyan na akong umiyak.

"Sol.... Apo ko." nanginig ang kanyang labi habang pinupunasan ang aking pisngi. "Masayang masaya ako sa desisyon mo."

Tumango ako at dinamdam ang galak sa puso ko ngunit hindi ko parin maiwasan ang umiyak. Naghalo halo na ang aking emosyon at marami akong naiisip.

Humiwalay sa akin si lola at pinunasan ang walang humpay ko na luha.

"Hinding hindi na ako magtataka kung bakit isang araw lang ang preperasyon sa kasal ninyo. Baliw na baliw sayo si Frosto apo."

Aniya ni lola pagkatapos maglakbay ang kanyang titig sa akin. Suminghap ako ng bumuhos ang kanyang luha.

"M-Miss na miss ko na ang anak ko." nanginig si lola ng sabihin iyon at napaawang ang aking labi. "Sobrang miss ko na ang iyong ina S-Sol. Kahit ilang taon man ang lumipas...Para sa akin ay parang kahapon lang. Pilit kong isipin na...palagi niya naman akong binabantayan pero h-hindi e. H-Hindi ko parin tanggap n-na ganoon."

"L-Lola!" niyakap ko ng mahigpit si lola. Sa haba ng panahon na magkasama kami ay ilang beses niyang sinasabi sakin ang tungkol kay mama ngunit ngayon ko siya nakitang sobrang naghinagpis.

Sa nagdaang panahon ay marami ang nagbago. Marami rin ang mga nangyari na mga hindi ko inaasahan. Grabe nga talaga si Lord, kasi sa bandang huli...Nandito parin kami na magkasama kahit na wala na si lolo.

Mahirap umahon sa emosyong namahani sa amin ni lola ngunit nang matapos ang ilang saglit ay nakita ko si Frosto na nasa pintuan, nakatingin sa akin.

Kumalas ako kay lola, dahan-dahan.

Tila naramdaman ni lola ang kanyang presensiya kaya napatingin rin sa kanya at ngumiti.

Tumingala ako ng tumayo si lola. "Oh, siya... Marami pa akong aayusin para sa kasal mo bukas. Hindi yan nakatulog si Frosto." tukso ni lola.

Umawang naman ang labi ko ng marinig iyon at napatingin kay Frosto na parang kumpleto naman ang tulog dahil sa kanyang mukhang napakaguwapo. Bugnutin man siya pero wala nang makakatibag kung gaano siya kaguwapo.

Huminga ako ng malalim ng lumabas si lola pagkatapos na tapikin ang kanyang balikat.

Sa libro...Sa pelikula...ang alam ko ay bawal makita ng groom ang bride bago ang kasal pero naiintindihan ko kung hindi siya naniniwala sa ganoon.

Lumapit siya sa akin at hindi ko maiwasan ang tumingin sa kanyang katawan.

"Pinagluto na kita.... Ano pa ang mga gusto mong kainin?"

Bumagsak ang tingin ko sa kanyang dibdib at humawak ako doon.

"Wa-Wala naman. Ayos naman iyon. Uh, hindi ka nakatulog?"

Pinatakan niya ako ng halik sa noo at tumango siya. "I can't sleep. Hindi lang ako makapaniwala." aniya habang nasa noo ko parin ang kanyang labi.

Napapikit ako dahil maski ako ay hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

"Hindi rin ako makapaniwala." Halos naliliyo na ako sa sobrang lapit naming dalawa. Kinintalan niya ako ng halik kaya napapikit ang aking mga mata.

Hindi ko ito lahat inaakala. Noon kasi ang magkaroon lang ng tv ay napakalaki nang pangarap para sa akin. Ni isa sa mga ka baryo ay walang tv kasi wala talaga kaming kurente.

At kahit kailan ay hindi talaga ako masasanay sa mga halik niya. Kahit ngayon, may kung anong paru-paro parin sa aking kalamnan.

"S-Sigurado kaba talaga na...Bukas na agad?" Nakatitig lang siya sakin at hinihimas ang aking baba.

"I mean.... Paano iyong mga bisita? Ang venue? Saan ba? At...." halik niya ang nagpatigil sa akin.

Humalakhak siya na nagpakagat labi sa akin. "Bakit? Frosto....Oo papakasal tayo pero ano na uunahin natin na aasikasuhin?"

"My Soledad.... Wala ka nang gagawin...Kundi ang maging asawa ko at maging ina ng mga magiging anak natin."

Halos mamula ako sa kanyang sinabi kaya tinakpan ko ang aking mukha dahil sa kilig na nararamdaman ko!

"F-Frosto naman!"

Mas lalong lumakas ang tawa niya.

Masaya ako dahil ang aliwalas ng mukha niya at masaya. Halata ang kaligayahan sa mga mata niya at alam kong ganoon rin ang repleksyon ng aking mga mata.

"Buong buhay ko hindi ako nagkaroon ng pangarap. Ngayon lang....At ikaw iyon."

Gusto kong maiyak at gusto kong tanungin ang sarili ko na...Ano ba ang espesyal sakin? Bakit ganito lahat ang ginagawa niya? Kasi para sa akin...Wala namang espesyal para sa akin. Wala.

Halos mamantal ang labi ko sa kakahalik niya ng mas concern siya dahil hindi pa ako nakakain kaya bumaba na kami.

Ang sabi niya wala na raw akong dapat asikasuhin? Naguguluhan ako at napapaisip kung paano niya iyon nagawa!

Nang makababa ako ay sa hagdanan palang ay nakita ko agad ang maraming gamit na nagkalat sa sala. Abala si lola at....Nakita ko ang hindi ko inaasahang tao.

"Jenessa?" singhap ko. Ang kapatid ko sa ama ay nakahalukipkip na nakatitig sa akin. Halos hindi ko na siya makilala!

"Miss me, Frienemy?" ngumisi siya at kinuha ang malaking box at nilahad sa akin.

Kung noon ay medyo maitim siya, ngayon ay pumuti at kuminis siya. Wala rin akong masabi kung gaano siya kaganda!

"J-Jenessa!" dahil sa aking nararamdaman, siguro lukso ng dugo ay kusa akong yumakap sa kanya. Aking naramdaman ang pagkatuod niya ngunit unti unti niya parin akong niyakap.

"Hm..." she mocked a laugh, ngunit naramdaman ko ang pagnginig ng kanyang balikat.

"You deserved all of this Sol. Masaya ako para sayo." bulong niya habang magkayakap kaming dalawa.

"Masaya ako dahil nakamtan niyo ang hustisya na para sa inyo. At..." humiwalay siya kaya pinunasan ko ang aking luha. Tinitigan niya ang aking tiyan at umirap. "Akala ko ba magiging Gandang-Tita na ako? Ang bagal ni Frosto!"

Unang Halik Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon